Chapter 23

4.5K 78 0
                                    

                   [ Catriona's POV ]

"Alam ko ang mga ito Iha dahil.... dahil isa akong witch."

Tila umalingawngaw sa buong kwarto ang sinabing iyon ni Yaya Marina.

Witch?

Witch?!!!!

"Things are getting weirder and weirder." Anas ko.

"Labing siyam na taon pa lamang ako noong tinalikuran ko na ang pagiging White Witch. At iyon rin ang taon na tinanggap ako ng lola mo na si Mam Aurora bilang kasambahay." Sambit ni Yaya Marina.

I look at her intently and noticed the glint in her eyes as she reminisce the past.

"Bakit ninyo po tinalikuran ang pagiging Witch?" Tanong ko.

Hinaplos ni Yaya Marina ang likuran ko saka siya ngumiti ng bahagya sa akin, "May mga bagay kasi na mas gugustuhin mo na maging normal lang ang lahat. Katulad ko. Hindi naman sa sawa o ayaw ko na sa pagiging witch pero mas masaya na mamuhay bilang isang simpleng tao."

Namangha ako sa mga tinurang iyon ni Yaya Marina. May mga tulad pala niya na mas ginugustong maging isang tao.

Napako ang tingin ko sa iilang kulay abo na niyang buhok, "Sa mga nababasa ko noon, hindi tumatanda ang mga witch di tulad naming mga tao. Ang pagbibitiw ninyo po ba sa pagiging witch ang dahilan kung bakit tumatanda rin kayo, Yaya?"

Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Yaya Marina, "Kaming mga witch, pagdating sa pisikal ay hindi kami nalalayo sa inyong mga tao. Ang edad ng pagtanda namin ay tulad lang din ng sa inyo." Ibinaba ni Yaya Marina ang kanyang tingin sa sahig, "Maliban na lang sa mga Oracle. Sila ay katulad ng mga lobo, bampira at iba pang nilalang na hindi agad tumatanda."

Isang buntong-hininga ang muling pinakawalan ni Yaya Marina saka nito ibinalik ang kanyang tingin sa akin, "Hindi lang ako makapaniwala na  may mga demon na nasa posisyon ang narito kanina dahil sa pagkaka-alam ko ay bihira lang sila na magtagal dito sa mundo." Tila may iniisip na malalim si Yaya Marina saka ito muling nagsalita, "Kakaunti lamang ang kaalaman ko sa kanila dahil mula ng nag desisyon akong talikuran ang pagiging witch ay tumigil na rin ako sa pag-aaral at pagsasa-ulo ng mga bagay tungkol sa mga ibang nilalang."

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsWhere stories live. Discover now