Chapter 17

5.3K 106 12
                                    

                  [ Catriona's POV ]

"My Catriona.." anas ni Mammon.

Naramdaman ko ang pagbilis ng pintig ng puso ko. Bakit siya nandito?

"Anong ginagawa mo dito, Mammon?"

"What a sweet, Catriona. Naaalala mo pa pati ang pangalan ko." He chuckles and he steps forward.

"Hanggang diyan ka lang. Sagutin mo ang tanong ko. Anong ginagawa mo dito?"

Tumigil siya sa paghakbang palapit sa akin saka siya muling ngumiti, "I'm here to visit you. Ayaw mo ba?"

"Umalis ka na rito, Mammon. Pag biglang dumating dito si Asmodeus, mag-aaway lang muli kayo. Ayaw kong dito kayo mag-away sa bahay ng pamilya ko." Sambit ko.

"My Catriona.." umupo siya sa gilid ng kama ko saka niya ito hinaplos, "hindi makakarating si Asmodeus dito kaya wag kang mag-alala."

"At paanong hindi? Kaya niyang pumunta dito kung gugustuhin niya." Agad ay pumikit ako at tinawag ko si Asmodeus sa aking isipan. Nagawa ko na ito dati kaya magagawa ko ulit ito ngayon.

"That won't work." Sambit ni Mammon. "Hindi makakaratting dito si Asmodeus dahil minarkahan ko na itong bahay na ito."

"Mi--minarkahan?" Halos mautal-utal kong tanong.

"Kaming mga demon, may isang lugar lang kami na maaaring markahan sa mundo ng mga mortal. Tinatawag namin itong sirkulo. Walang sinumang demon ang maaaring makapasok sa loob ng sirkulo, maliban na lang kung pahihintulatan ng nag-marka. Siya, minarkahan niya ang bahay na tinitirhan mo kaya hindi ako makapunta roon." Napansin ko ang paniningkit ng mga mata ni Mammon habang nagsasalita, "Kaya minarkahan ko ito para may personal space rin ako. Tayo."

Gusto ko sanang sumagot ng WALANG TAYO pero ipinagpaliban ko na. Masyado ng gasgas ito. Kahit ang utak ko ay hindi na tinatanggap ang ganitong sistema ng pagsagot.

"Bakit ginagawa ninyo ito sa akin?"

"Dahil para sa akin ka, Catriona! Hindi ka para kay Asmodeus o kung kanino pa." Saad ni Mammon.

I laugh bitterly, "Here you are, making me believe about this marking shit stuffs tapos pati ikaw gusto mo sa'yo rin ako. Anong pinagkaiba mo kay Deus, ha Mammon?"

Laking gulat ko ng biglang nawala si Mammon sa kinauupuan niya sa kama. Luminga-linga ako upang hanapin kung nasaan siya at laking gulat kong muli ng bigla siyang lumabas sa harapan ko. Sa isang kisap-mata ay itinulak niya ako pasandal sa pader. Hawak hawak niya ang aking leeg. Hindi mahigpit ang pagkakasakal niya pero nararamdaman ko ang medyo pananakit ng aking likod.

"Bitawan mo ako, Mammon!" Singhal ko sa kanya.

Inilapit niya ang kanyang mukha saka siya huminga ng malalim. Tila inaamoy niya ako.

"'Wag mo akong ihahalintulad kay Asmodeus dahil mahaba ang linya ng pagkakaiba naming dalawa." I heared him sigh, "Sabihin mo lang, Catriona... kaya kong alisin yang half-mark sayo ni Asmodeus. Basta sabihin mo lang sa akin." Halos pabulong niyang sabi sabay alis niya ng kanyang kamay sa aking leeg.

"Ano ang mangyayari kapag naalis ang marka niya sa'kin?"

"You will be free from his will." Agad niyang sagot

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsWhere stories live. Discover now