Chapter 08

8.6K 140 2
                                    

                 [ Catriona's POV ]

"What's this?"

Narinig kong sambit ni Joshua habang yakap niya ako mula saking likuran. Itinuturo niya ang aking batok.

Si Joshua ay isa sa mga nakilala ko sa isang chatsite a few months ago. He has this short hair and dimples at kakatapos lang naming mag all the way.

"Ang alin?" Tanong ko.

"Is this a tattoo?" Tanong niya. "Cool!"

Naguluhan ako. Wala naman akong tattoo ah. "Can you take a picture of my nape?" Sabi ko sakanya.

Kinuha ko ang aking phone at binigay ito sa kanya. Matapos niyang kuhanan ito ay chineck ko agad.

"What the---" anas ko.

Doon ay nakita ko ang hindi ko maintindihang marka. Hindi ako nagpalagay ng tattoo kaya bakit ako may ganito?

"Aalis na ako, Joshua. Salamat sa oras!" Dali-dali ay tumayo ako at nagbihis.

••• *** •••
Mag-iisang oras nang naka-park ang kotse ko sa parking area ng university. Ilang beses kong hinawakan ang bukasan ng pinto pero mag-aalangan ako biglang muli kaya ibinabalik ko ang aking kamay sa manibela. Kulang na lang ay ayaw ko ng bumaba sa sasakyan.

Sa mga nangyari noong nakaraang araw ay nagsisimula na akong kabahan. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari o dadatnan ko pag nagkita kami ni Sir Alessandro.

Isa pa ring hiwaga ang kanyang pagkatao para sakin. Hindi ito natatapos sa simpleng pagiging bampira niya gaya nga ng sabi niya.

Pero....

Nagkakamali lang ba ako?

Nagha-hallucinate lang ba ako? Panaginip lang ba ang nangyari?

Parang ang bilis ng mga pangyayari.

Tinakpan ko ng dalawang kamay ang aking mukha. Di ko na alam ang gagawin at iisipin ko. Para na akong mababaliw.

Isang katok mula sa bintana ng kotse ang nagpabalikwas sakin. Paglingon ko, isang di inaasahang mukha ang nakita ko.

Si Sir Alessandro.

Nagtitigan muna kami ng ilang saglit na tila nag-uusap ang aming mga mata hanggang sa sumenyas siya na lumabas ako ng kotse.

Handa na ba ako na makausap ko siya ngayon?

Isang malalim na buntong-hininga ang aking inilabas bago ako bumaba sasakyan. Pag-labas ko ay agad na bumungad sa akin ang napakabango niyang cologne na tanging sa kanya ko lang naaamoy.

"Male-late ka na, Catriona." Narinig kong anas niya.

Hindi ako agad nakasagot dahil nakatuon lang ako sa mga maya niya. Paano nangyari na iilan lang sa mundo ang ganito kagandang klase na nilalang?

Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa. Ang mga deep ocean blue niyang mga mata ay napakahirap basahin kung ano ang nilalaman at kung ano ang mga nais nitong sabihin.

Humakbang siya ng isang beses upang kami ay mas lalo pang mapalapit. Ako ay tila nasa isang hipnotismo na siya lang ang may kayang gumawa. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Ang tanging nagawa ko ay tingnan lamang siya sa mga mata at hinihintay kung ano ang susunod niyang gagawin.

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsWhere stories live. Discover now