Chapter 36

3.2K 61 40
                                    

[ 3rd person's POV ]

"Kahit matalo ako rito ay hinding-hindi ako titigil. Kahit magalit na lahat sa'kin ay babalik at babalik pa rin ako sa tabi niya." Ani Asmodeus.

Pinagmasdan lang ni Mammon si Asmodeus matapos niyang marinig ang mga katagang iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pinagmasdan lang ni Mammon si Asmodeus matapos niyang marinig ang mga katagang iyon.

Isang mapait na ngiti ang kanyang pinakawalan sabay punas niya ng kanyang luha gamit ang likuran ng kanyang palad kasabay rin nito ang paglaho niya na bahagyang kinabahala ni Asmodeus.

Unexpectedly, lumitaw si Mammon sa harapan ni Catriona. Mabilis na hinawakan niya ang dalaga sa beywang at kinabig ito papalapit sa kanya.

Ikinagulat ng lahat ang ginawang iyong ni Mammon kaya't dali-daling naglaho si Asmodeus upang lapitan si Catriona.

Pagkahapit ni Mammon sa beywang ni Catriona ay ginawaran niya ito ng mariing halik sa noo saka siya mabilis na bumitaw.

Nang lumabas si Asmodeus sa kanilang harapan ay agad niyang patatamaan sana si Mammon ng bolang apoy ngunit agad niya itong iwinaksi ng makita niyang binitawan na niya ang dalaga.

"He better be treating you good, Cat." Anas ni Mammon habang pinagmamasdan si Catriona, "kapag hindi ka niya trinato ng tama, babawiin kita sa kanya. Maghihintay lang ako, Catriona." Sabay talikod nito at nagsimulang maglakad palabas.

Ang ilan sa mga Deadly Sins ay natulala at pinagmamasdan ang bulto ni Mammon habang patungo sa labasan ng Dostem.

Si Balaam ay pinagmasdan lamang ng maigi ang mga kilos ni Mammon, hinihintay kung ano o kung meron pa itong muling sasabihin, while Asmodeus never let his guard down dahil ayaw niyang maisahan siya sa laban na ito.

"Wala ka ng mahihintay, Mammon." Sagot ni Catriona na nagpahinto kay Mammon habang ang lahat ay natuon ang atensyon sa kanya, "Si Asmodeus.. siya lang ang mahal ko at tanggapin mo na iyon." Napalunok ng laway si Catriona matapos niyang bigkasin ang mga kataga. "Masaya ako na... na nakilala kita noon at mas magiging masaya ako kung may makikilala ka na maibibigay mo ang pagmamahal na tulad ng binibigay sa'kin ni Deus."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Prince of Lust: The Seven Deadly SinsWhere stories live. Discover now