Chapter 41

7.2K 162 38
                                    

"What the?!!" Lilith cursed after Catriona slapped her.

Napagpasyahan kasi ni Catriona na kailangang makausap niya ang haliparot na si Lilith bago siya umuwi ng kastilyo kaya hinanap niya ito.

At di nga siya nagkamali, naroon siya at nadatnan niyang papasok ito sa kastilyo ni Leviathan kaya nilapitan niya ito agad at binigyan isang malakas na sampal sa pisngi.

"Kailan ka ba titigil, huh, Lilith?!" Singhal ni Catriona.

Bigla ay lumitaw kasabay ng itim na usok si Leviathan sa kanilang harapan. Laking gulat ni Catriona dahil nung una ay di niya ito namukhaan hanggang sa biglang kumislap sa kanyang alaala na ito ang imahe ng totoong Leviathan na nakita niya sa malaking painting noon.

"Levi...." manghang sambit ni Lilith ng makita nito ang kanyang itsura nito, "ngayon ko lang nakita ulit na... ibinalik mo na ang tunay mong anyo makalipas ang mahabang panahon."

"Isa ka pa!" Dinuro ni Catriona si Leviathan. Kahit iba na ang itsura nito ay siya parin ang kanyang Ama na si Leviathan.

"Medyo nakainom ka ata, Anak?" Nakangiting salubong ni Leviathan.

"ikaw.. ikaw ang nagpanggap na si Asmodeus.." duro niya rito.

Payak na natawa si Leviathan, "Im impressed."

"How did you..." Lilith said with a confused face.

"Find out?!" Isang mapaklang ngiti ang pinakawalan ni Catriona, "Kung ganon... tama nga ang mga sinabi ni Mammon.."

"Si Mammon? Wow." Natatawang sambit ni Leviathan, "of all demons.. di ko akalaing siya pa ang magsasabi sa'yo."

"Paano mo pa nagagawa sa'kin to Leviathan? Di ka ba magiging masaya para sakin? Di mo ba kayang kalimutan ang alitan ninyo ni Asmodeus?" Sambit ni Catriona, "ako ang succesor mo. We should be on each other's side. Pero bakit kailangan na madamay ako sa galit mo? bakit kailangang pasakitan mo ako at si Asmodeus na itinuring mo rin na kapatid noon?"

Hindi nakasagot si Leviathan sa mga tinuran ni Catriona. Tila ba medyo nakapag isip-isip ito sa mga nasabi niya.

Nang wala siyang narinig mula kay Leviathan ay tumalikod siya at nagsimulang maglakad palayo bitbit ang sama ng loob.

"At san ka pupunta?!" Ani Lilith.

"Away from you two? And please.. grow the fncking up! Sa tinagal tagal ninyong nabuhay, 'yun ata ang di niyo pa nagagawa." Sabay talikod muli at madaling naglakad.

"Sorry." Anas ni Leviathan na nagpatigil kay Catriona.

Namakas ang pagtatakha sa mukha ni Catriona dahil laking bigla niya sa katagang kanyang narinig.

Sorry? Tama ba ang narinig ko? Sorry? Aniya.

"Levi, di ka dapat nagpapadala sa sinasabi ng mortal na iyan." Bulong ni Lilith. Isang bulong ngunit intensyon niyang iparinig talaga iyon kay Catriona.

"Let's stop this Lilith. Di ko rin alam kung bakit ako ang gusto mong isali dito but Im definitely out of this." Taas kamay na sambit niya, "Nai-concern ko na ang plano mo na ito kay Balaam noong una palang at nasabi niya sa'kin na kapag tuluyan mong ginawa ang iyong plano ay kakaharapin mo ang mabigat na kaparusahan." Ani Leviathan na ikinamutla at kinatahimik ni Lilith.

"Ibig sabihin..." napalunok si Lilith, "alam na ni Balaam ang mga nangyari?" Napailing si Lilith na parang di makapaniwala sa kanyang mga narinig. "Hindi pwede..."

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon