Chapter 37

3.1K 69 19
                                    

               [ Catriona's POV ]

"Deus?" I blinked my eyes a couple of times.

Sabay silang napalingon at kasabay rin nito ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko.

Nanlalaki ang mga mata ni Asmodeus habang nakatingin siya sa'kin habang si Lilith naman ay isang nakakainsultong ngiti ang kanyang pinakawalan.

Ibinaba ni Deus ang kanyang tingin saka niya sinuot ang kanyang pantalon. He is shirtless while Lilith's dress is half torned sa bandang itaas.

"Bakit Deus?!" Bulalas ko.

"Catriona.." halos magkanda-utal niyang anas.

"Hindi ko gusto na Catriona lang ang isagot mo sa'kin dahil kailangang maipaliwanag mo sa'kin kung bakit at paano nangyari ito." Ang dibdib ko ay nagtaas-baba dahil sa galit na nadarama ko. Nagpupuyos ang damdamin ko sa eksenang nakita ko ngayon lang. "I don't fücking care kung dahil ba nasa impyerno tayo o kung ano pa man. Just answer my question... WHY?!!!"

I maybe sounded like a typical character in a movie where the main character confronted his man but the heck, ano pa ba ang mas magandang sasabihin kung hindi didiretsahin?

Batid kong magsasalita na si Deus ngunit pinigilan siya ni Lilith, "Let me answer her question, Asmodeus." Tumayo siya mula sa posisyon niya kanina saka niya dinilaan ang pang ibabang labi niya na parang pinapakita pa kung gaano siya nag-enjoy sa huli niyang kinain.

"Hindi kita kinakausap, Lilith." Agarang pambabara ko sa kanya.

I don't give a shīt to this woman. Bat kailangang lagi siyang nakikisawsaw?

"I won't mind." Sambit niya saka siya tumawa, "the answer is.... you cant satisfy him. Yes, Catriona, you can't satisfy the Prince of Lust." Humakbang siya ng dalawang beses papalapit sa'kin saka siya huminto, "I mean.. no one can satisfy his sex cravings and it doesn't count if he have you as his only partner." Dinuro niya pa ako ng bahagya, "and take note, I licked it so it's mine too."

"Shut.the.fūck.up!!!" I shouted. "Asmodeus, answer me!"

He let out a deep sigh and look at me straight into the eyes, "She's right.."

And my heart suddenly stopped.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko sa kanya. Ang sang-ayunan ni Deus si Lilith ay isang malaking sampal para sa'kin.

Napag-isip isip ko tuloy sa sarili ko na gusto kong hanapin kung ano nga ba ang kulang? Kung saan nga ba ako nagkulang?

Nasa impyerno kami, oo. Pero hindi ko inaasahan na mangyayari at gagawin din sa'kin ito ni Asmodeus. We are too inlove for that.

Or not?

———- mini flashback ————
"Mahal mo ako?" I asked him.

"With all my dead heart, Catriona."

"I'm totally into you, Catriona and I don't care if this leads to a war."
—— end of mini flashback ———

So.. hindi pala totoo ang lahat ng mga sinabi niya noon?

"Sorry.." he murmured.

"Sorry?" Pag-uulit ko. Tama ba ang narinig ko?

Hindi na muling umimik pa si Asmodeus bagkus ay ibinaba niya muli ang kanyang mga tingin na tila nag-iisip ng muling sasabihin.

"So.. ganun? Sorry na lang?" Sambit ko ng may kaunting pait sa aking tinig.

"Catriona.." anas ni Deus sabay hakbang niya papalapit sakin ngunit hinawakan siya ni Lilith sa braso dahilan upang huminto siya.

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsWhere stories live. Discover now