[ Asmodeus' POV ]
"Mammon!" Halos umalingawngaw ang boses ko sa pasilyo ng kastilyo ni Mammon. Pagkapasok na pagkapasok ko sa malaking pintuan ay agad ko ng isinigaw ang pangalan niya.
Dumiretso akong naglakad hanggang sa makarating ako sa isang kwarto kung saan alam ko na madalas siyang naroroon. Doon ay nakaupo siya sa isang upuang kahoy habang umiinom ng alak. Napansin kong kasama niya pala si Leviathan, lumingon siya sa akin saka muli niyang itinuon ang atensyon sa sumasayaw na apoy sa kanyang harapan.
"What brings you here, Asmo?" Kaswal na tanong Mammon.
"Ano ang mga sinabi mo kay Catriona?!" Singhal ko sa kanya.
"May masama ba sa mga sinabi ko, Asmodeus?" Uminom siyang muli sa kanyang kopita, "Sinabi ko lang ang ilang mga bagay at katotohanan tungkol sa atin. Bakit may problema ba?" Lumingon siya sa direksyon ko habang nakasandal ang kanyang ulo sa upuan.
"Mukhang nagkakaroon kayong dalawa ng mumunting sigalot." Nakakaloko na ngiting sambit ni Leviathan.
YOU ARE READING
Prince of Lust: The Seven Deadly Sins
FantasyLanguage: TAGALOG/ENGLISH For a 17 year old, Catriona Amberden is a damn hot temptress. A sexually active one. Every man wants to be with her, to bed her. Even the Prince of Lust, Asmodeus. Asmodeus is referred to as one of the Seven Princes of Hell...