Chapter 05

10.4K 158 6
                                    

[ Catriona's POV ]

"What took you so long?!" Bungad ni Sir Alessandro sa akin na halos dumagundong ang classroom pagkapasok ko sa tindi ng boses niya. He is holding a book on his left hand while looking at me with annoyance.

Lahat ng tingin ng mga kaklase ko ay napako lahat sakin.

Bahagyang kumunot ang aking noo, "Excuse me, Sir?"

Alam ko namang late ako ng 4 minutes, pero kung makapag react siya para namang patapos na ang klase bago ako pumasok.

"Stop acting like a grade school student, Miss. You should practice to come in your room as early as possible."

Why the heck he is acting this way?! Naka-commit ba ako ng murder sa pagiging late ng ilang minuto lang?

Lumingon siya sa mga kaklase ko, "Finish what I gave you! You only have 3 minutes." Halos pasinghal niyang sabi sa mga classmate ko. Lahat sila ay natuon muli ang atensyon sa sinusulat nila.

Tumikhim ito saka ibinaling muli ang kanyang tingin sa librong hawak niya. "Sit. Miss." Anas niya at hindi man lang ako nilingon.

Para namang aso ang inuutusan nito kung magsalita, "Catriona. Catriona Amberden." Sambit ko bago ako dumiretsong umupo sa pwesto ko.

Atleast ngayon di na Miss ang tawag niya sakin, di na siya mahihirapan pa sigurong hulaan pa kung alin don sa records ang pangalan ko.

Inilabas ko ang aking ballpen at tumingin sa mukha ni Sir Alessandro. Nakita ko siyang nakapikit habang humihinga ng malalim.

Napano 'to? Bulong ko sa isip ko.

Para siyang may iniisip na malalim. Parang may gumugulo sa isipan niya. Hay, ewan! Ang hirap din spell-ingin ng prof na ito.

"Psst! Na-stress ata sayo si Sir Alessandro." Halos pabulong na tawag ni Jenny sa akin.

"Malay ko. Wala naman akong ginagawa." I mouthed.

I looked at him. Nakapikit parin ang kanyang mga mata while clenching his jaws.

Oooh this dangerously beautiful creature! I would give all my fortunes just to have sex with him. I joked to myself.

He suddenly opened his eyes and looked at me. My mouth shut right after I saw his eyes glowing in bright red color. As if it is a mixture between blood and fire.

A magma on his rage.

Tumingin ako sa mga kaklase ko, chine-check ko kung nakikita rin nila ang nakikita ko but I was wrong. Abala silang lahat sa pagsusulat sa kani-kanilang table.

Muli ay ibinalik ko kay Sir Alessandro ang tingin ko. In a blink of an eye, the blood and fire are back into his breathtakingly ocean blue orbs.

Walang anu-ano ay biglang lumabas ito ng classroom and all we could hear is the slamming of the door and his footsteps.

What the fucking hell is that?!

                       ••• *** •••
Hindi na muling bumalik pa si Sir Alessandro sa room matapos ang nangyari kanina.

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsWhere stories live. Discover now