Chapter 24

4.2K 97 11
                                    

                [ Catriona's POV ]

Bakit nandito ang lalaki na nakita ko sa underpass noon? Nasisiguro ko na siya yung bigla na lang naglaho nung dumating si Marcus.

———— mini flashback ———-
"I'm glad to meet you, Catriona." Sambit nito.

Bahagya pang napa-atras ako ng isang hakbang. Sanay na ako na laging may uma-approach na lalaki sakin kaso iba ang dating ng taong 'to.

"And you are?" Tanong ko.

"Levi."

Ngumiti ako ng medyo pilit kasi medyo nakakaramdam na ako ng kaunting awkwardness kaya naisipan kong tumuloy na sa paglakad.

"I noticed he already marked you. Too bad, hindi man lang siya nanghingi ng permiso." Then he chuckled.

I stopped walking at lumingon ako sa kanya. What does this guy mean?

"Gustong gusto ko ang mga nangyayari. I can not wait to see the defeat on his shīt face. You are my lucky card, Catriona." I can see the amusement in his eyes.

"Anong meron?" Pagtatakhang tanong ko.

"Catriona!"

Agad ay napalingon ako sa tinig ng lalaking tumawag sakin, si Marcus.

"Hi.. Marcus." Nakangiting bati ko.

Pagkabalik ng tingin ko sa taong kausap ko ay nagulat ako dahil nawala ang taong kausap ko sa harapan ko.

Pagkalapit ni Marcus ay agad ko siyang tinanong, "Nakita mo ba yung lalaking kausap ko rito kanina? Mataas na mahaba ang kulay gold niyang buhok?"

Kumunot pa ang kilay ni Marcus na tila nagtataka ng husto. "Wala naman akong napansin na kausap mo nung dumating ako. Bakit may problema ba?" Tanong niya.

"Wala, wala. Lutang lang siguro ako." Sagot ko saka na ako muling naglakad.
—— end of mini flashback ——

Magkakilala pala sila kung ganoon. Nakita rin malamang ni Marcus na kausap ko ang 'Levi' na ito noon pero nagkunwari siyang walang nakita.

Inilipat ko ang tingin ko kay Jenny na nakatingin lang sa'kin habang nakahalukipkip ang kanyang mga kamay.

"Lilith.." anas ko.

Bahagyang umawang ang kanyang bibig sa pagka-gulat. Di siguro niya inexpect na alam ko na ang tunay niyang pangalan.

"Paano mong nalaman ang pangalan ko?!" Halata sa tono ni Jenny ang pagka-iritable. "Leviathan, paanong nalaman ng mortal na 'yan?"

Nagkibit-balikat lang si Leviathan bago sumagot, "maybe you are careless?"

Jenny rolled her eyes saka siya lumapit kay Leviathan at hinalikan niya ito. "There is no need to hide in this sheep's clothing anymore, I guess."

Pagkasambit na iyon ni Jenny ay biglang nag-bago ang kanyang pisikal na itsura. Ito ang tunay na Lilith. Ang dati niyang buhok na sing-itim ng uwak ay humaba at naging kulay chestnut. Makinis at balingkinitan ang kanyang katawan. Bilang isang babae, humanga ako sa kanya dahil may pagka-dyosa ang kanyang dating.

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsWhere stories live. Discover now