Chapter 14

6.3K 119 6
                                    

[ Catriona's POV ]

Weeks have passed and it's been real smooth dahil sa pag-open up sa akin ni Deus ng ilang mga bagay. Ngayon, hindi na ako mangangapa pa.

Hindi ko pa rin kina-kausap si Jenny dahil sa mga nangyari. I always caught her looking at me.

Kunwari hindi ko ito napapansin.

Ganoon din si Marcus. Everytime na lumalapit naman siya sa akin, I am making a good distance.

Gusto ko munang mapag-isa.

Kung papakinggan ko sila siguro sa tamang panahon at dapat loaded na ang paliwanag nila sa akin.

Kung iisipin, nagmu-mukha talaga akong bitter sa medyo walang kwentang bagay. Kung iyon ang dating sa kanila, bahala sila. Basta ako, hindi pa rin ako kumbinsido sa na-saksihan ko.

Si Deus naman ay nasa university pa rin at nagtuturo. Laging nagugulo ang buhay ng mga estudyante dahil sa kanya. Okay, hindi naman sa nagugulo. Actually, may good sides din naman ang kanyang pagdating dahil may mga ilang tamad na estudyante ang nakakakuha ng mga matataas na marka sa kanyang subjects at masisipag magsi-pasok ng dahil lang sa kanya.

May sikretong fans club pa ngang ginawa para kay Deus.

Napapa-iling na nga lang ako sa twing nakikita ko ang mga estudyante na nagdu-drool sa kanya. Hindi nila alam na isang demonyo ang pinagpa-pantasyahan nila.

Most of the time, he will send his doppelganger para 'yon ang magturo sa university. Pag doppelganger ni Deus ang nagtuturo, alam ko 'yon dahil nararamdaman ko.

--------- Mini Flashback -------
"Nasaan si Asmodeus?" I crossed my arms sa harap ni fake Asmodeus habang inaayos niya ang ilang libro sa kanyang mesa. Ang mga kaklase ko ay nakalabas na lahat sa room.

"Huh?" He arched his brow.

"Alam kong hindi ikaw si Asmodeus. Sino ka?" Itinaas ko rin ang aking kaliwang kilay.

Tumawa siya at inilagay niya ang dalawang kamay niya sa teacher's table, "Magaling ka, mortal." Kinuha niya ang mga libro, "Isa akong doppelgänger, isa ako sa mga alagad ni Prince Asmodeus. Sa ngayon, maraming ginagawa ang Prinsipe kaya ako muna ang nandito habang wala siya."

"Bakit kailangan mo pa siyang i-proxy? Di naman kailangan nandito ang presensya niya. Ang ibig kong sabihin, demonyo siya, isang prinsipe tapos heto siya't nagtuturo bilang professor sa isang university?" Tanong ko.

"Yan, ang hindi ko masasagot. Iba kasi mag-isip ang Mahal na Prinsipe ng Kahalayan." Ngumisi ito saka naglakad palabas ng room.
----- End of mini Flashback -----

Siguro kaya alam ko na hindi siya si Asmodeus ay dahil perks na rin ng paglalagay niya ng half-mark sa akin.

Deus is always been consistent on teasing me. Nandoon yung akmang hahalikan niya ako pero mawawala siya, yung nagha-halikan na talaga kami pero aalis siya. What the eff is holding him back? Gusto ko rin naman. It's not as if sex is a big deal for me.

Hmmm.. Kung gusto niya ng ganoong laro, I can play with him. Hindi naman ako papatalo 'no.

I opened my locker at nakita kong may note na nasa loob,

Same place.
-Deus

Hindi ko maiwasang di mapangiti dahil dalawang araw na rin ang nakalilipas mula noong huli kaming nagkita. Maliban doon sa doppelgänger niya.

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsWhere stories live. Discover now