Chapter 27

4.1K 70 1
                                    

[ Asmodeus' POV ]

Sa tinagal-tagal ng paghahanap ko sa kaluluwa ni Catriona ay narito pa rin ako at nananatiling bigo. Halos mawalan na ako ng pag-asa.

Isang malaking palaisipan pa rin sa'kin kung paano at bakit wala ang pangalan ni Catriona sa dalawang scroll na hawak ni Alastair. Ang lahat ng mortal na nabubuhay sa mundo ay nakasulat sa asul na scroll habang nasa pula naman ang mga pumanaw na.

Sinubukan ko ring hanapin ang lugar lung saan inilibing ang kanyang katawan pero bigo ako na makita ito.

Kinailangan ko pang muli na puntahan ang mortal na si Nathalie para mas makakuha pa ng impormasyon.

Nang makita ko siya ay agad kong nabatid na medyo nabahala siya ngayong nakita niya ako. Ang huli naming pag-uusap ay noong naglaho ako sa harapan niya.

Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang hinalikan sa pisngi bilang pagbati at di na kataka-takang nawala agad ang mga alanganin niya.

Tignan mo nga naman kung gaano karurupok ang mga mortal.

Sinamahan niya ako na makapunta aa lugar kung saan nakalibing si Catriona. Pagkarating namin doon ay agad akong napahinto dahil may mali.

Bumungad sa akin ang isang lapida kung saan nakasulat ang kanyang pangalan;

**********************************
Catriona Amberden
October 16, 2001 - October 16, 2018
**********************************

"Nakakalungkot at mismong sa kanyang 18th birthday siya namaalam." Ani Nathalie.

Hindi ko gaanong pansin ang mga sinabi niya dahil lubos akong nagtataka kung bakit wala ang katawang lupa ni Catriona rito.

"She's too young for a heart attack. Kaya nga ako I'm starting to have my healthy diet na at-."

"Can you tell me who's with her when that time happens?" Putol ko sa kanya.

I maybe rude but I need straight answers right now.

"Sa... sabi nila.. ang bulung-bulungan, she is with her friend na si Jenny Sandoval ng magpunta sila sa cafeteria. It's weird kasi after mamatay ni Catriona ay di na rin siya pumasok and..."

"And what?"

"Hinanap namin sa office ang records ni Jenny para mapagtanungan sa nangyari kay Catriona at kung bakit hindi na siya nakakapasok," muli siyang napatigil saka siya tumingin sa mga mata ko, "ang mga records ni Jenny Sandoval sa office.. They're gone. Parang may kumuha o nawala na lang na parang bula. Nagtanong-tanong kami sa ilang mga estudyante kung may nakakaalam ng address niya pero wala. Maski ang napabalitang ex-boyfriend niya na si Chuck Consuelo ay hindi rin niya alam."

Lalong tumaas ang kuryosidad at mithiin ko na malaman ang tunay na nangyari sa mahal ko na si Catriona.

May mga hindi tamang nangyayari rito na dapat ay masusi kong pag-aralan.

••• *** •••
Gaya ng dati, lagi pa rin akong bumibisita sa bahay ni Catriona dahil doon ko lang muling nadarama ang presensya niya. The sweet smell of her is still somehow lingers in her room. Hindi ko alam kung nagpapantasya lang ba ako dahil iniisip ko palagi na sana nandito siya. Na sana nakabalik ako ng mas maaga para mas nabantayan ko sana siya.

Masakit at malaking galit man ang nararamdaman ko sa twing nakikita ko siya noon na may kasamang mortal lalo na sa kama pero wala akong ginagawa dahil alam ko na iyon ang gusto niya. Gusto ko rin naman na i-enjoy niya ang kanyang pagiging mortal bago ako magpakilala sa kanya at isama siya sa impyerno.

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsWhere stories live. Discover now