Chapter 28

4.2K 96 17
                                    

                 [ Asmodeus' POV ]

Abala ako sa pag-check ng sandamakmak na mga scroll na naipon sa working desk ko. Ito ay mga report tungkol sa antas ng kahalayan sa mundo ng mga mortal. Sa huli naming pagpu-pulong ay nanguna ang Envy ng ilang porsyento sa listahan ng pitong kasalanan. Hindi na kasi ako katulad noon na napaka-hands on ko sa naatas na trabaho sa'kin dahil natutuon ang oras ko sa paghahanap kay Catriona.

Maaari ngang totoo ang mga sinabi ni Mammon na wala sa kanya si Catriona pero hindi buo ang tiwala ko na paniwalaan ang mga iyon. May itinatago siya at kailangan ko itong matuklasan sa lalong madaling panahon.

Isang uwak ang paparating at dumapo sa may balkonahe ng silid na kinaroroonan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang uwak ang paparating at dumapo sa may balkonahe ng silid na kinaroroonan ko. Ang uwak na ito ay alagad ni Leviathan. Lumingon ito sa akin saka niya inihilig ng pakanan bahagya ang kanyang ulo.

Tumayo ako at lumapit sa uwak saka ko kinuha ang kulay itim na papel na nakasabit sa kanyang paa. Pagkakuha ko sa papel ay agad na lumipad palayo ang uwak saka ito naglaho.

Binuksan ko ito at binasa ang nilalaman nito. Isa itong imbitasyon mula kay Leviathan. Isang paanyaya tungkol sa isang malaking salu-salo na gaganapin sa kanyang kastilyo mamayang gabi.

Hindi naman ako interesadong pumunta roon kaya nilamukos ko at sinunog ang papel na hawak ko hanggang sa ito ay maging abo at liparin ng hangin.

Noon pa man ay may hindi na kami pagkakaintindihan ni Leviathan sa kadahilanang naiinis siya sa twing ako ang nangunguna sa listahan ng pitong kasalanan kaya laking pagtatakha ko ngayon at iniimbita niya ako sa isang okasyon na kadalasang hindi naman niya ako nais na kasali. Maski noong Horecca nila ni Lilith ay hindi niya ako inabisuhan.

Horecca - Seremonyas ng kasal sa Impyerno

Pumasok akong muli sa silid at pinag-aralan ang mga scroll na hawak ko kanina.

*********************************
               [ Catriona's POV ]

*********************************               [ Catriona's POV ]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Napakaganda mo, Catriona." Manghang sambit ng demoness na nagngangalang Lucille habang inaayos niya ang ang buhok. "Panigurado ako na matutuwa ang Prinsipe ng Kasakiman kapag nakita ka." Dagdag pa niya.

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon