Chapter 34

3.4K 66 17
                                    

                 [ Catriona's POV ]

"Ate Celestine?"

"Hindi ako nagkakamali sa nakikita ko. Catriona?"

Dahan-dahan niyang binitawan ang kahon na hawak niya saka naglakad patungo sa'kin. Pagkalapit niya ay isang mahigpit na yakap ang kanyang ginawad.

"Napakasaya ko ngayon." Aniya. Kinalas niya ang pagkakayakap niya saka niya ako tinignan.

"Ate..."

"Mula ng mawala ka, hinihintay ko na dalawin mo ako sa panaginip pero wala.. lagi kang naglalakad palayo sa'kin. Galit ka pa ba?"

"Hindi Ate. Pareho lang din tayo na nagkamali noon. Wala kang dapat na ihingi ng tawad."

"No! You deserve to hear my apologies. Ilang taon ng bumabagabag sa'kin ito." Sambit niya at unti-unti ng pumatak ang luha sa kanyang mga mata.

"Ate.."

"Sorry Catriona. Sa lahat ng sakit na pinaranas ko sa'yo. Hindi magiging ganito at maganda sana ang samahan natin kung hindi lang ako naging selfish. Kung... kung hindi ko pinairal ang pagiging makasarili ko, sana mas naging maayos ang samahan natin. Sorry Catriona." Kinuha niya si Kero na naroon saka niya ipinakita sa'kin, "ito, ito ang stuffed toy mo na sinira ko noon. Hindi mo alam kung gaano ko ito tinago noong mga bata pa tayo at matyagang tinahi para maayos ito ulit. Ang inggit ang nanaig sa'kin pero di ko maipagkakailang kapatid kita. Di ko alam kung paano ko ibibigay ulit sa'yo ito noon dahil kasalanan ko kung bakit nagkaganito ito. Di ko alam kung paano ang way na iapproach ka lalo na't alam mo na nauuwi lang ang lahat sa away."

Tinanggap ko si Kero saka ko ito niyakap ng mahigpit then I cupped my sister's face and wiped her tears.

"Wala iyon, Ate Celestine. Pinapatawad na kita Ate."

"Thank you, Sis. Thank you."

Muli ay isang mahigpit na yakap ang ginawad namin sa isa't isa. "Sila Mommy at Daddy?" Biglang sambit ko, "bakit naka for sale na itong bahay?"

Napahinto siya saka lumamlam ang kanyang mga mata, "wala na sila.. tatlong taon na silang patay."

"Huh?!" Di makapaniwalang sagot ko. Sila Mommy at Daddy? Patay na?

"Kasama sila sa mga nasawi sa suicide bombing sa isang mall." Malungkot na sambit ni Ate Celestine.

Natutop ko ang aking bibig sa mga narinig ko. Ang mga magulang ko... wala na.

"Sana hindi na matapos ang panaginip na ito, Catriona.. dahil dito.. kasama na kita."

Panaginip? Ang iniisip ni Ate ay panaginip lang ito?

"Iniwan na ninyo akong lahat. Halos mawalan na ako ng pag-asa. Mabuti na lang at laging nariyan si Andrei."

"Andrei?"

Tumango si Ate Celestine kalakip ng isang matamis na ngiti. Itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay at doon ay nakita ko ang isang singsing sa kanyang ring finger.

Isang engagement ring..

"Next year na ang kasal namin, Sis." Masayang sambit niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit dahil ramdam ko ang saya sa puso niya. Sa wakas at nakilala na rin ni Ate Celestine ang lalaki na magmamahal ng lubos sa kanya tulad ng nararanasan ko kay Deus.

Teka. Si Asmodeus hinihintay pala niya ako sa labas!

"Hindi ka nila pwedeng makita, love. Alam mo iyan. Magkakaroon lang ng pagkalito."

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora