Chapter 30

4.4K 77 23
                                    

[ Catriona's POV ]

"Hello.. my dear successor and brother." May halong panunutyang sambit ni Leviathan. "As expected, you fully marked her." Sabay ngisi niya ng may kalakip na inis.

Hahakbang sana si Leviathan papalapit pero ginamit ko ang kapangyarihan ko para umangat ang tipak ng semento. Naharangan ang kanyang daan na aabot hanggang sa kanilang dibdib.

Ngumisi lang muli si Leviathan sa mga nakita niya, "wow. Dapat na ba kaming matakot niyan?"

"Ano pa ang kailangan ninyo rito, Levi?" Si Deus.

"Ibalik mo sa'kin si Catriona. Siya ang mapapangasawa ko." Sagot ni Mammon.

Natawa si Asmodeus matapos niyang marinig ang tinuran ni Mammon, "Itigil mo na, Mammon. Hindi mo na nga siya nakuha noong nagpanggap kang mortal, ngayon pa kayang isa siya sa atin?"

Susugurin na sana ni Mammon si Asmodeus pero pinigilan ito ni Leviathan. "Bro.. idaan natin ito sa isang maganda at patas na laban." Bulong niya kay Mammon pero dinig naman ito ng lahat. "kay Balaam.." sambit niya sabay tingin sa mga mata ko.

"At nakasisiguro ka na mapupunta sa inyo ang pabor gayong markado ko na si Catriona? Hindi basta-basta mababali ang isang marka lalo na't pareho namin itong kagustuhan."

"Tulad lang ng ginawa ninyo ni Lilith?" Si Leviathan.

"Bakit kailangan pa laging isama sa usapan si Lilith?"

"Dahil parte ang aking asawa rito."

"Para namang may pake ka talaga sa kanya, Levi? Hindi sikreto na ginagamit mo lang si Lilith para inggitin sana ako noon pa man kaso hindi iyon nangyari. Kaya ang ginawa mo'y ginugol mo ang oras at panahon mo para makaganti ka sa'kin." Asmodeus scoffed. "At ang lahat ng ito ay dahil lang talaga sa inggit? Levi? Kailan ka ba titigil?"

"Na kay Balaam pa rin ang huling pasya kung kanino mapupunta si Catriona." Pagmamalaki ni Leviathan.

Nabahala ako sa mga narinig ko kaya't napakapit ako sa braso ni Asmodeus at agad naman niyang hinawakan ang kamay ko.

"Si Barbara pa rin ang nasa isip mo kaya 'wag mo na sanang idamay pa si Lilith dito. Let that poor woman do her tasks. Nararapat sa kanya na makabalik sa kanyang posisyon." Sambit pang muli ni Asmodeus.

Si Lilith? May posisyon?
At sino si Barbara?

Narinig ko na ang pangalang Barbara nung minsang nagkausap kami ni Leviathan pero hindi na niya sinabi pa sa'kin ang tungkol doon at mukhang hindi niya rin ito gustong pag-usapan.

Sa akin natuon ang mga mata ni Leviathan saka siya ngumiti, "maaari ko bang mayakap ang aking anak?" Itinaas niya pa ang kanyang mga kamay na tila nag-aanyaya ng yakap saka siya humakbang papalapit sa'kin.

Pina-angat ko ang sementong kinatatayuan ni Leviathan saka ko siya pabalibag na inihagis gamit ang kapangyarihan ko ngunit bago pa sumayad ang likod niya sa sahig ay itinungkod niya ang kanyang kanang kamay saka siya tumayo.

Isang nakakalokong ngisi ang kanyang pinakawalan, "magaling.." umayos siya ng tayo saka tumalikod, "Aalis na kami at inaasahan ko maghahanda ka sa paparating, Asmo." Pagbabanta ni Leviathan habang si Mammon naman at nakatingin pa rin sa'kin. Ang mga titig niya ay tulad ng mga titig sa akin noon ni Marcus.

Ibinaba niya ang kanyang tingin saka siya tumalikod at sabay silang naglaho ni Leviathan kasabay ng itim na usok.

Nang makita kong wala na sila ay doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsWhere stories live. Discover now