Chapter Three

7.1K 199 18
                                    

Hannah's POV

Kakapasok ko lang ng bahay, inilapag ko mga gamit ko saka nagtungo sa kusina.

Binuksan ko yung ref, para tignan kung anong pwedeng lutuin ko para kay hubby.

"Adobo it is"

Nagsimula na akong magluto, ng maalala ko si Camy. Sigurado akong, magpapadeliver na naman yun. Sinubukan ko naman turuan magluto, kaso wala eh. Hanggang lamon lang ang alam niya.

Marahil nagtataka yun sa ikinilos ko kanina, I push and pull kasi. Hindi kasi mawala sa isip ko yung itsura ni Cam nung nakita niya si Clay. Ako din naman napahanga sa gandang taglay ng bata, pero iba yung nakita ko sa mata ni Cam.

Kumikinang ito, na parang unang beses nabigyan ng regalo. She looks at her na parang, ang tagal niyang hinintay si Clay. Of course, alam kong bawal. Kaya nga I asked her to stop, bago pa lumala.

Pero bigla akong nalungkot when I saw kung paano nawala ang kinang sa mga mata niya, alam niya kung bakit ko sinabi yun at alam kong naiintindihan niya ako.

Naawa ako sa kaibigan ko, pero hindi ko pinakita yun. Instead, dinaan ko siya sa pabirong tukso. I want that glow in her eyes, I want that back. Alam kong mali, in the eyes of Law. Pero si Cam naman yun diba? She likes to bend rules, basta masaya lang siya.

Lagi ko siyang sinasabihan na mag-seryoso na sa buhay, with the way she looks at Clay. I knew, she will be the one. Hindi ako naniniwala sa Love at first sight, but from what I saw. Mukhang tinamaan agad ang gaga.

Clay is the right person, but. She came, in a wrong time.

I bit my lip, knowing magiging magulo 'to kung sakali. Pero kahit gaano pa kakomplikado ang sitwasyon, I'll stand by her. I'll fight with Camy, no matter what.

Hates are visible, from the people who can't accept her sexual preferences. Lalo pang aapoy 'to, sa posibleng Teacher-Student relationship.

Stop her.

No, kung meron man akong dapat pigilan. Yun ay ang mga taong huhusga sa kanya.

Maaaring mali sa mata ng tao, pero kailan man hindi naging mali sa mata ng Diyos. Kahit kailan, hindi naging mali ang magmahal.

God is love, and those who hate never represent God.

Humugot ako ng malalim na hangin.

I've decided to support her, kahit ano pa man ang magiging decision niya.







Kakatapos ko lang magluto, when I heard my husband's car pulling over the driveway. Sinalubong ko ito ng halik at yakap.

"Sarap naman talaga umuwi sa bahay, kapag laging ganto ang naghihintay sakin" biro ni Chard. "How's first day?" Habol niya.

"Very interesting" ngising sagot ko.

Chard gave me a care-to-tell-me look, alam naman niya lahat. Alam niya mga nagyayari sa buhay-buhay ng mga taong malalapit sakin, including Camilla.

He knows everything, wala akong tinatago sa kanya.

Except the fact that, Aly was your ex.

I met Chard, during our college days. Aly was my girlfriend way back in high school, it was a puppy love. I don't think there's a reason for me to bring it up on my present relationship.

Camy knows I'm bisexual, alam din ni Chard. Hindi lang nila alam yung about kay Aly, cause again. It was just, a puppy love.

I broke up with her, kasi nalaman kong hindi lang ako syota niya. Dalawa kaming girlfriend niya, at may tatlo pa siyang boyfriend. Kaya ayoko siyang dumidikit kay Camy, she's bad news.

abCWhere stories live. Discover now