Chapter Forty One

2.7K 99 13
                                    

Trigger Warning!!! (Sexual Assault)


"Anong magagawa ko?! Eh ayaw na nga nung babae!" Dinig ko ang pagtatalo ni auntie dun sa lalakeng nakita kong nakapatong sa ate ko.

"Pwes, wala ka nito" sagot nung lalake na tila inaasar si auntie.

Bahagya akong nagulat nung biglang bumuka ang pintuan nila Mama, galit kong tinignan ang lalake na nakangiting nakatingin sa 'kin.

"Yan na lang oh, pwede na yan" nakangiting hayag niya kay auntie habang nakaturo ang hintuturo nito sa 'kin. "Gago ka ba? Bata yan" galit na pinalo ni auntie ang braso ng lalake.

"Bata, matanda. Pare-pareho lang may butas yan" natatawang saad nito.

Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya pero alam kong walang maidudulot na maganda ang lalakeng ito, malaki ang katawan niya at matangkad. Mukha siyang demonyo. "Hoy! Halika" tawag niya sa 'kin. "Mark! Bata yan!" Protesta ni auntie.

Hindi ko pinansin ang tawag niya, lalabas na sana ako ng bigla niyang hinila ang kamay ko. "Aray!" Reklamo ko.

"Tinatawag kita eh!" Galit na sambit ng lalake habang diin na nakahawak sa maliit kong braso. "Bitawan mo nga ako! Masakit!" Utos ko na kanyang ikinatawa.

"Palaban 'tong batang to ah" nakangising saad niya habang dinidilaan niya ang kanyang labi. "Mark" tawag ni auntie. "Gusto mo ba o ayaw mo?" Tanong nung lalake sa kanya, tinignan naman ako ni auntie na parang wala na siyang magagawa.

"Inumin mo 'to" abot sakin ng lalake ang isang tableta ng gamot.

"Wala akong sakit" galit na sabi ko saka pinalo palayo ang kamay nito.

"Hahaha! Inumin mo na 'to para hindi mo maramdaman ang sakit" pagpipilit niya sa 'kin, umiling ako kaya naman bigla itong nagalit at kinuha ang matalim na kutsilyo sa bahay. Namilog ang mata ko sa takot ng itutok niya ito sa leeg ko. "Iinumin mo na ba?"

Wala na akong ibang nagawa kundi sumunod sa gusto niya, hindi ko alam anong klaseng gamot ang pinainom niya sa 'kin pero unti-unti akong nanlalambot. "Higa ka" yaya nung lalake habang tinatapik tapik ang kama, umiling ako kahit gusto ko ng humiga at matulog.

Hindi ko na alam ang sumunod ng nangyari, tanging sakit ang nararamdaman ko. Pilit kong binubuksan ang mga mata ko, gusto kong sumigaw pero wala akong lakas.

Tama na po, ang sakit sakit na. Mama, Papa, Ate.

Nakahinga ako ng naramdaman kong umalis sa pagkapatong sa 'kin ang lalake, may naririnig akong away. Pilit kong minulat ang mga mata ko, may mga naririnig akong mura at sigaw.

Hayop ka, wag mong sasaktan si ate. Gusto kong tumayo para harangin ang mga suntok ng lalake kay ate pero wala akong magawa, wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak. "Subukan mong magsumbong! Papatayin ko kayo, uunahin ko yang kapatid mo!" Dinig kong banta ng lalake kay ate.

"Ate" buong lakas kong tawag sa kapatid ko.

Agad naman tumakbo si ate papunta sa 'kin. "Clay, sorry" iyak na sabi ni ate, duguan ang mukha niya.

Niyakap niya ako habang humahagulgol, gusto ko siyang yakapin pabalik pero tanging luha lang ang naisusukli ko sa kanya. Sorry, ate.

"Tandaan niyo, papatayin ko kayo sa oras na magsumbong kayo"


"Ate!" Sigaw ko ng magising ako, isang masamang panaginip. Pero bakit ramdam ko parin ang sakit? Ang sakit ng katawan ko, bakit ang sakit?

"Clay" natatarantang lumapit si ate sa 'kin.

Sugat-sugat ang mukha nito, sa panaginip ko binugbog siya ng lalake. Totoo ba ang lahat ng yun? Totoo ba ang lahat ng sakit? Totoo ba?

"Ate"

abCWhere stories live. Discover now