Chapter Thirty Five

2.8K 99 13
                                    

Camilla's POV


"Hindi ba talaga siya umuwi, Jobert?" Tanong ko sa ka-boardmate niya.

"Joey" pangongorek nito sa 'kin. "At hindi nga, diba nga nung isang araw pa nasa probinsya yun?"

Hindi pa siya nagpapakita dito sa kanila, ibig sabihin nung dumating siya galing province deretso niya tinungo ang flat ko.

Nakonsensya na naman ako, ano ba kasi nangyari at bigla siyang umuwi bigla? At nahuli ka?

Pangalawang araw ko ng pabalik balik dito sa boarding house nila, nagbabakasakaling makita't makausap ko si Clay. Hindi ko rin makontak ang number niya.

"LQ?" Nakangising tanong ng kausap ko.

Hindi ako kumibo, tumalikod ako saka nagpameywang. "Saan ka ba nagpunta, Clay" bulong ko sa sarili ko.

Nasapo ko naman ang noo ko. "Of course, nasa Batangas siya"

Mabilis kong nilisan ang lugar nila Clay at madaling pinaandar ang sasakyan.

Ano bang meron dun at lagi kang tumatakbo papuntang Batangas, Clay? Dun ka pa talaga pupunta eh alam mo na ngang gusto kang pormahan ng prinsepeng palaka na yun.

Parang may kung anong tumutusok naman sa puso ko pag-naiisip kong mapupunta si Clay sa iba. "Akin ka lang, Aquino"




"Magandang hapon po, andyan po ba si Clay?" Tanong ko sa isang kasambahay nila dito.

"Ay opo Ma'am, nasa kwarto sila ni señorito Iñigo" nakangiting sabi nito.

"What do you mean nasa kwarto ni Iñigo?" Bigla naman uminit ang ulo ko, yukom palad kong inaantay ang sagot ng kasambahay nila.

"Hindi ko po alam, Ma'am" kibit balikat nito. "Akyat na lang po kayo, tapos kanan. Yung dulo nito yun ang kwarto ni señorito" she instructed me.

Pakiramdam ko nakasemento ang mga paa ko, hindi ko magawang humakbang ng maayos. Parang may ilang bakal na naka-kabit dito, jusme Clay sana mali ang iniisip ko.

Habang papalapit ako sa kwarto, lalo lumalakas ang tibok ng puso ko. Kakatok ba 'ko? O bubuksan ko na lang agad? Paano kung may makita ako? Ano sasabihin ko? Ano irereact ko? May karapatan pa ba 'ko? Wala na kami diba? Wala na ba talaga, Clay?

Tangina! Akin ka!

Walang pakundangan kong binuksan ang pinto, bigla naman bumagsak mga luha ko nung nakita ko silang magkayakap. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Clay kaya naman napalingon si Iñigo sa 'kin.

Iisa ang mga reaksyon ng mukha namin, gulat.

"Should I be the one to ask you that, Clay?" Saad ko habang pinupunas ang mga nangangarerang luha sa pisngi ko.

"I leave you two here" sabi nung Iñigo saka lumabas at sinara ang pinto.

"Ano, Clay?" Galit na sabi ko. "Anong ginagawa mo dito? Sa kwarto ng lalakeng yun!" Tinaasan ko ng boses ito.

She smirked. "Hindi ako kagaya mo" seryosong hayag nito.

A part of me was happy dahil ibig sabihin nun walang nangyari sa kanila, but a part of me was crashed as well.

Ganyan na ba talaga ang tingin mo sa 'kin Clay? Isang kaladkaring babae?

"Walang nangyari samin" diin ko sa kanya.

Natawa ito. "Liar" she accused me.

Lumapit ako dito saka mariin hinalikan ang mga labi nito, she pushed me that causes me to step back a few inch. Muli kong kinabig ang batok nito at hinalikan.

abCWhere stories live. Discover now