Chapter Forty Five

3.2K 103 3
                                    

Clay's POV


Hanggang ngayon 'di parin ako makapaniwalang andito si Camilla, andito si Mio. Laki ng pinagbago niya, mas lalo siyang gumanda at mas lalo siyang naging mahalay?

Its only been a day since she got here pero nakailang bangayan na kami, she's very persistent and vocal. Naalala ko yung pagsusungit na ginawa niya kay Theo, gusto kong isipin na nagseselos pero ayokong umasa.

Ayokong umasa kasi alam ko, alam kong may Kiara siya. I secretly stalked her girlfriend's account, and every picture teared my heart apart. I can't blame anyone but myself, I chose this to happen so I have to dwell with the consequences that comes along. Nakita ko si Kiara sa tag photos ni Ma'am Hannah, hindi kasi active na sa fatebook si Camilla.

It hurts, pero pinili ko 'to.

"Aray" reklamo ko habang himas-himas ang likod ng ulo ko. "Bakit mo 'ko binatukan?" Tanong ko kay Camilla na 'kala mo walang ginawang krimen.

"Ayoko nung nasa utak mo" walang ganang sagot nito saka umupo sa tabi ko, nakakabasa na ba siya ngayon ng isip? "Iniisip mo yung lalakeng mukhang nakulangan sa lungs no?" Tanong niya.

I want to burst into laughter but I held it all in, payat lang naman si Theo pero mukhang buo naman ang baga nun. "Paano mo nalaman na siya iniisip ko?" Tukso ko sa kanya.

And that was the biggest mistake I ever made, she didn't say a word but she looked at me intently. I didn't saw anger in her eyes and I was hoping na sana yun na lang ang makita ko instead yung pain na nasa mata niya. "N-nagbibiro la--"

"Kayo ba?" Putol niya sa 'kin. "Kayo ba nun?" Ulit niya bago pa 'ko makasagot. "Wag mo na sagutin, baka masampal kita" sabi nito sabay walk out.

Sasampalin niya ako? Magagawa niya yun? Try mo.

I shook my head in disbelief. "Araaay!!! Ano ba??!!!" Galit na tanong ko sa kanya, binatukan na naman niya ako ng may kasamang gigil akala ko ba umalis na siya?

"Bwisit ka!" Sigaw nito sa mukha ko sabay walk out ulit.

Problema nun? Sinundan ng mata ko si Camilla, napapikit ako sa lakas ng pagsara niya sa pintuan ng kwarto niya. Nagseselos pa ba siya? Pero diba may girlfriend na siya?

Wag ka ng umasa, Clay.

Ayokong umasa kasi alam kong masaya na siya pero bakit ganito ang pinapakita niya sa 'kin?

You're confusing me, Camilla. I shouldn't think about us in the first place, marami pa 'kong dapat na iisipin. After years of waiting, our appealed to open my sister's case has been approved. Kaya ako nandito sa bahay nila, gusto ni sir na andito ako para mas lalo niyang malaman ang nangyari samin dati at kahit labag sa loob ko hindi na 'ko kumontra pa. I would do everything para lang maalis si ate sa impyernong yun.

"Tangina mo, Clay! Nakailang rounds na kayo sa utak mo?!!!" Sigaw nung Camilla mula sa itaas ng bahay. "Tulala ka parin! Bwisit!" Galit na muling bumalik sa kwarto niya.

"Ppppffft!" Pigil kong tawa.

"Rounds saan, Ma'am Clay?" Tanong ng kasambahay nila na ikinagulat ko.

"Hala ate, wag naman kayong nang gugulat" sabi ko habang hawak ang dibdib ko.

"Nakailang rounds kayo saan?" Nakangising tanong niya, medyo chismosa siya.

"A-ah w-wala po yun, sige po." Iwas ko dito.

Umakyat narin ako ng kwarto, baka makita na naman ako ni Camilla iisipin na nun buntis na 'ko. Kakahiga ko pa lang sa kama ng marinig ko ang mahinang katok sa pintuan, bubuksan ko ba? Baka kasi si Camilla lang yun, pero kung siya man yun dapat pabalang ang katok nun.

abCWhere stories live. Discover now