Chapter Twenty Seven

3K 98 6
                                    

Clay's POV


Ilang araw narin namin iniiwasan ang isa't isa, alam kong parte lang 'to sa plano pero minsan hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kirot.

Miss na miss na kita, Mio.

Nalaman narin ni Althea na siya yung tinutukoy kong mahal ko, hindi naman siya nagkomento pa dito pero pinaalalahanan niya ako lagi na mali ang relasyon namin.

"Hi babe!" Bati ni Althea sa 'kin sabay halik sa pisngi ko.


~~~~FLASHBACK~~~~


"Dehado ang anak ko kung sakali, Clay" malungkot na tugon ni Mr. Suarez.

Andito ako sa opisina niya ngayon, naikwento niya rin sa 'kin ang nangyari. Hindi ko rin maiwasan hindi magtampo kay Camilla, bakit hindi ako ang kinausap niya tungkol dito?

Kasi ba ganito lang ako? Pakiramdam niya ba wala akong maitutulong sa problema namin? Bakit kailangan sa iba ko pa malaman?

Tila naman nabasa ni sir ang gumugulo sa utak ko. "Ayaw ka niyang madamay pa, ayaw ka niyang mapahamak"

Tinignan ko siya, kita ko ang bakas ng pag-alala sa mukha nito.

Wala akong masyadong alam sa mga laws na pwedeng harapin ni Camilla, pero alam kong ikakukulong niya ito kung sakali.

Napalunok ako sa pwedeng mangyari kay Mio.

"Sabihin niyo po sa 'kin kung ano ang dapat kong gawin, gagawin ko" desididong hayag ko.

Tumango-tango ito sa 'kin. "Gusto ko iwasan niyo muna ang isa't isa, pansamantala lang naman" kalmadong sabi niya.

Iwasan si Camilla, kaya ko ba? Kakayanin.

"Sige po, sir" pag-sangayon sa gusto niya.

"And be close to that girl" si Althea ang tinutukoy nito.

Alam ba ni Camilla 'to? Baka kasi sapakin ako nun.

"A-ah sir?" Napakamot ako ng ulo.

"We need to know her steps, Clay. We're blind kung hindi tayo makakalapit sa kanya" seryosong sagot niya.

Be close to Althea, hindi naman na mahirap gawin yun. Simula nung sinabi kong may mahal na ako, nangako kami sa isa't isa na magiging magkaibigan parin kami.

Iniisip ko lang si Mio, selosa kasi yun.

Kagat labi akong tumango sa kanya. "Naiintindihan ko po"

~~~~END OF FLASHBACK~~~~

Naputol ang pag-iisip ko ng may makita akong pamilyar na pigura, limang metrong layo sa 'kin.

Si Mio.

Kanina pa ba siya dun? Nakita niya ba si Althea?

Naglakad na siya palayo, sinundan ko naman ito ng tingin hanggang sa di ko na siya makita.

"Kayo pa ba?" Tanong ni Althea.

Tumingin ako sa kanya.

Alam kong may gusto siya sa 'kin, pero hindi ako naniniwalang kaya niyang manghamak ng tao. Mabuting tao si Althea, alam kong gusto niya lang ng atensyon ko.

Umiling ako. "Wala na kami" pagsisinungaling ko.

"Selfish" she whispered.

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo ko siyang tinitigan.

Bahagyang natawa ito. "Wag mo nga akong titigan ng ganyan" natatawang sabi nito. "She's selfish, para lang maprotektahan ang sarili niya. She let go of you" bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya.

abCWhere stories live. Discover now