Chapter Thirty Eight

3K 101 20
                                    

Camilla's POV


It's been 3months since naging okay kami ni Clay, hindi ko na ididetalye ang nangyari baka abutin din tayo ng 3months at baka mahorny lang kayo.

I explained everything to her, walang butil na impormasyon akong iniwan. Magmula sa naging relasyon namin ni Sam hanggang sa kung paano kami nagsama sa condo.

Nakwento rin sa 'kin ni Clay ang nangyari dun sa Batangas, alam narin pala nila na may relasyon kami kaya pala hindi na nagulat si Iñigo nung hatakin ko si Clay palabas ng mansyon nila.

Hanggang ngayon, nililigawan ko parin si Clay. Hindi niya pa kasi ako sinasagot pero okay lang handa akong maghintay.

I smiled, feeling ko bumalik ako sa pagka-teenager. Oo okay na kami ni Clay, we do things together like we normally do as a couple kaso wala pa nga lang label.

Biro niya sa 'kin, sa graduation niya daw ako sasagutin. Para plantsado na de ang lahat, natawa ako sa mga pinagsasabi ng batang yun. Okay narin ako na ganito kami, may konting away at selosan pero walang nakikipagbreak. Makikipagbreak eh wala naman 'kayo'

2months na lang, pwede na kami maging legal sa mata ng mga tao. Kung sasagutin ka

-.-

"Bata, sasagutin mo ba talaga ako?" Tanong ko dito habang nilalaro buhok nito.

Nakahiga kasi si Clay sa lap ko, kakatapos namin kumain ng ano. 😉

Minulat nito ang mga mata niya. "Umaatras ka na ba?"

"Asa!" Mabilis kong sagot.

Ngumiti lang ito saka pumikit ulit. "I love you, love" sabi ko as I run my fingers on to her face.

Ang ganda mo, love. Araw-araw tinatanong ko parin sarili ko kung totoo ba 'to, na andito ka sa tabi ko. Na may nakakasama akong Clay na nagpapasaya sa 'kin.

"Love" tawag ko dito.

"Hmm?" Sagot niya habang nakapikit ang maya nito.

"Anong course kukunin mo?" Tanong ko sa kanya.

Muli niyang minulat ang mata niya at masayang sinagot ang. "Gusto kong maging abogado"

Napangiti ako sa kanya, nakikita ko sa mata nito ang kagustuhan niyang maging lawyer. I have no doubts sa kakayahan ng utak ni Clay, she's smart. "Bakit lawyer?" Tanong ko dito.

Nag-iba ang expression ng mukha nito, madali naman niya nabago pero nahuli ko yun. "Gusto ko ibigay ang hustisya sa mga taong nararapat dito" seryosong sabi nito.

I leaned ang kissed her forehead.

"Matutuwa si daddy niyan" biro ko dito, nakita ko kasi biglang naging seryoso ang mukha nito.

Love, ano ba nakatago dito sa mala anghel na mukha na 'to? Alam kong wala kang balak na paglihiman ako pero ramdam ko rin na hindi ka pa handa.

Nauuhaw ako sa pagkatao mo, Clay. Gusto kong malaman kung paano ka nung bata, kung paano ka napadpad dito sa Manila. Kung bakit hindi mo kasama ang kapatid mo, at kung okay ka na ba talaga mula ng mamatay ang magulang mo.

"Hanga ako sa dad mo, Mio" she said. "Pinaglalaban niya ang totoo" dugtong nito.

Napangiti ako sa sinabi niya. "Kaya mo lang ata gustong maging lawyer kasi idol mo si Celestino eh" tukso ko rito.

Ngumiti ito pero andun parin ang lungkot sa mata nito. "Teacher love? Ayaw mo?" Tanong ko.

"Bakit?" Tanong niyang pabalik.

abCWhere stories live. Discover now