Chapter Fourteen

4.9K 155 15
                                    

Camilla's POV

Nasa tapat na kami ng boarding house ng girlfriend ko.

Sheeeeeeeeeet!!!!! Ang landi mo teh.

Mahirap parin paniwalaan na girlfriend ko na 'tong anghel na 'to.

Sa mga nangyari kanina, isa lang natutunan ko.

Ano yun?

Wag niyong binibiro lang ang larong Flames.

Nyeta.

Totoo naman ah, diba sabi dun our feelings are mutual.

Inamin kong gusto ko siya, inamin niya rin na may gusto din siya sakin.

Alam niyo na sunod nito, me wearing the best gown in town.

It rhymes, bes.

Naman! Isulong natin ang team Clamilla! Rhymes with Chlamydia.

Antipatikang konsensya, sakit yun.

Ibahin ko na lang, team Mioson! Lyson.

-.-

How about team CM?

I smiled to myself, is it because we have the same initials?

Ay hindi teh, CM. CORRUPTING MINORS!

Pakyu.

"Pasok na ako" sabi ni love.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" Tanong ko dito.

Gusto ko makita lugar niya, I want to check kung comfy ba siya dito or kung safe ba.

"Gusto mo bang pumasok?" Tanong niya pabalik.

Minsan hindi ko alam kung sinasadya ng batang 'to asarin ako o ano.

"Okay lang ba?" Tanong ko rin pabalik, 'kala mo ha.

Tumango lamang ito, saka lumabas ng sasakyan.

Nakaakyat na kami, may ilang tao akong nakita nakaupo sa sala.

"Uy Clay! Sino na naman 'yang kasama mo?" Tanong ng babaeng dinaig si Robin Padilla kung pumorma.

Na naman? So ibig sabihin, wag pangunahan wala pa kayong 24hours.

I saw Clay giving a death stare to that creature, bahagya ko naman kinurot tagiliran niya kaya napatingin siya sakin.

Ngumiti ako sa kanya, yung ngiting humanda-ka-sakin-mamaya.

Napalunok ang bata. "A-ah, kaibigan ko nga pala. Si Camilla" pagpapakilala niya sakin sa kanila.

Okay.

Humanda ka talaga sakin mamaya.

Una, marami ka palang babaeng dinadala dito?

Pangalawa, kaibigan?

Pangatlo, wala pa girl.

"Wow! Dami mong magagandang kaibigan, nung linggo lang may pumunta din dito ah" gusto ko 'tong kuto na 'to.

Marami akong makukuhang infos sa kadaldalan niya.

Wait, sunday? Kung hindi ako nagkakamali, si Althea Hito este Vito ang nagpunta dito.

Ayan na Clay, may pangatlo na 'ko.

"Bakit ang daldal mo?" Sinungitan niya si kuto.

"Medyo lang" sagot ng isa, sabay ngiti.

abCWhere stories live. Discover now