Chapter Thirty

3.3K 103 8
                                    

Camilla's POV


"Love" gising ko sa katabi ko.

Simula nung almost break up namin, halos gabi-gabi na dito natutulog ang bata kasi hinihila mo.

"Lovelove" pangungulit ko, habang pinapaulanan ito ng mumunting halik. "Up na, baka ma-late ka. Exam pa naman ngayon" I said while brushing her hair with my hand.

Umupo siya habang nakapikit parin ang mga mata nito, how can you be this adorable Clay?

Tumayo narin ako at nagtungo sa banyo. "Love, ayaw mong sumabay?" Nakangising tanong ko dito.

Minulat niya mga mata niya saka tumingin sa direksyon ko. "Ang naughty mo, Ma'am" sagot niya sa 'kin.

"Ano? Nagtatanong lang kung gusto mong sumabay" depensa ko sabay irap sa bata.

Nakabihis na ako, inaantay ko na lang matapos ang isa. Sinadya kong agahan ang gising namin, para makapagbreakfast muna bago pumasok sa school.

So far, okay naman ang takbo ng relationship namin. Naikwento ni Clay lahat ng sinabi ni Althea, hindi naman maalis sa 'kin ang magduda kasi kita ko kay Vito kung gaano niya kagusto si bata. Still, I am thankful.

"Sana tuloy-tuloy na."

Beep.

Clay's phone.

A text from Iñigo, binasa ko.

From: Alien 👾
Good morning, princess! ❤

Baduy, ampota.

I deleted his message, only to receive a new one from him.

From: Alien 👾
Alam mo, tagal narin natin magkakilala, hindi ko parin alam ang surname mo. You're full of mystery, Clay. I like it. 😘

Buburahin ko na sana ang text niya ng bigla akong may naisip na pilyang sagot.

To: Alien 👾
Suarez.

Gusto ko sana lagyan ng heart emoji kaso baka isipin ni Iñigo para sa kanya ang puso na yan, isa pa hindi naman gumagamit ng emojis si Clay.

Beep.

Bilis sumagot ah. 😒

From: Alien 👾
Really?! Pareho ng kay Camilla? Hindi malayong pagkamalan kayong magkapatid. 😊

Hindi kami mag-kapatid boy, mag-asawa kami.

Hindi ko na nireplyan ang asungot, binura ko na lang texts niya.

Lumabas si Clay at kita niyang hawak ko ang telepono niya. "May text ba?" Tanong niya.

"Wala, bakit? May inaantay ka?" Tanong ko sabay lapit sa kanya.

Iling lang ang tanging sagot nito, kinuha ko naman ang hawak niyang towel saka pinunasan ang ulo nito.

Gustong gusto kong alagaan si Clay, I like to spoil her. Gusto ko siyang ibaby, sana nag-apply kang nanay niya.

Kaya siguro kami nagkakaintindihan dahil pareho kaming maagang nawalan ng ina.

"Love? Ano ulit kinamatay ng mama mo?" Hindi ko napigilang hindi magtanong.

Hindi palakwento si Clay, ilap siya sa topic when it comes to her family. Although naiintindihan ko naman kung bakit ayaw niyang ikwento yun, hindi siya magandang alaala.

"Bakit bigla mo natanong yan?" Takang tanong niya.

"Wala lang, naisip ko lang. Wala ka pang kinekwento sa 'kin, kahit isa." Sabi ko dito.

abCWhere stories live. Discover now