Chapter Twenty Nine

3K 109 18
                                    

Camilla's POV


"Ano kailangan mo?" Bungad sa 'kin ni Althea ng mabuksan niya ang kanilang pinto.

"Si Clay" tanging sagot ko na walang halong pagtataray kahit gustong gusto ko ng ingudngud ang mukha niya sa pader.

This was her fault to begin with. Kung hindi siya nakialam sa tahimik naming relasyon ni Clay, hindi sana nangyayari ang mga ito ngayon.

She laughed, sarcastically. "After what we saw? May mukha ka pang ihaharap sa kanya?" Iling na sabi nito.

Oo meron, Althea. Dahil una, maganda ako. Palaban ka girl! Pangalawa, wala akong ginagawang masama.

"Clay!" I shout her name. "Love! Let's talk, please!"

"Pwede ba? Don't make a scene here, para kang--"

"Althea" putol nito ni Clay sa paru parong mukhang bukid.

Was she crying? Bakit magang-maga ang mga mata niya at namumula pa ito? Baka sore eyes?

"Love" mahinang tawag ko dito, awang awa ako sa itsura niya. I'm so sorry, love.

"What do you want?" Malungkot na tanong nito.

"You" sagot ko.

"Ano naman kailangan mo sa 'kin?" Muli niyang tanong.

"Lahat ng sayo" sagot ko habang nakatitig sa mga mata nito.

I hate myself for hurting her, she don't deserve this.

"Pwede ba, Ma'am? Sumeryoso ka naman" iritang bigkas nito sa 'kin.

"Seryoso ako, Clay" sabi ko. "Let's go home, love" pagmamakaawa ko.

Malungkot na umiling ito sa 'kin.

"Love, please. Pag-usapan natin 'to sa bahay" pag-pilit ko dito.

"Umuwi ka na mag-isa" sabi nito saka yumuko. "Wag ka narin lalapit pa sa 'kin, kahit kailan" dugtong niya.

Pautang naman ng oxygen mga friends, tila nauubusan na 'ko nung marinig ko mga salitang yun mula kay Clay.

Are you breaking up with me, love? Tinatapos mo na ba lahat?

"Hindi mo man lang ba 'ko pakikinggan, Clay?" Umiyak na 'ko, wala akong pakialam kahit nakikita ni Althea 'to.

Isasara na sana ni Clay ang pinto pero napigilan ko ito. "Clay, isa" galit na sabi ko dito habang patuloy na bumabagsak ang mga luha ko.

Tinignan niya ako na parang hindi makapaniwala. "Ikaw pa may ganang magalit?"

"Oo" deretsang sagot ko. "Kasi wala akong kasalanan" tuloy ko.

Ngumiti ito sabay iling ng ulo. "So ano yun kanina? Pinilit ka na naman ng fucking buddy mo?"

Para namang paulit ulit na sinasaksak ang puso ko sa mga salita niya. "Please, Clay. Sa bahay na tayo mag-usap"

"Why?" She asked. "Nahihiya ka ba? Nahihiya ka marinig ni Althea?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya, kasi tama siya.

"Please" hiling ko.

"Meron ka pa pala nun? Pero nagawa mong makipaghalikan sa elevator" puno ng galit ang mga salita nito. "Baka naman nakapagsex--"

"Sumusobra ka na ha!!" Sinigawan ko siya, hindi naman ito nagpasindak sa 'kin. "Hinahayaan lang kita pagsalitaan ako ng ganyan, kasi alam kong galit ka. But you, accusing me na nakipagse--"

"Bakit hindi ba?" Putol niya sa 'kin.

"Of course not!" Galit na sagot ko dito.

"What's going on here?" Putol sa 'min ng isang babae na kakarating lang.

abCWhere stories live. Discover now