Chapter Thirty Seven

2.9K 101 14
                                    

Clay's POV


"Hi, Clay." Bati ni Camilla Sa 'kin.

Kunot noo ko siyang nilingunan, nakangiti ito sa 'kin na parang walang nangyari. Hindi ko siya pinansin, nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng school.

Buti na lang, alas sais pa pasok ko sa isang coffee shop na malapit sa boarding house na tinutuluyan ko. Nalalakaran ko lang pauwi, nakatipid na sa pamasahe nakakabawas pa ng pagod.

Kahit papano, nakakalimutan ko ang nangyari sa 'min ni Camilla dahil sa mga kasamahan ko sa trabho. Mabait din si Ma'am Shaina, nung nalaman niyang nag-aaral ako 4hours duty lang ang binibigay nito sa 'kin ng walang mababawasan sa sasahurin ko.

"Huy, bata" tawag muli ni Camilla.

Lumingon ako sa kanya. "Sinusundan mo ba 'ko?"

"Huy, wala kang ebidensya" birong sagot nito.

Umiling ako saka nagpatuloy sa paglalakad papuntang sakayan ng jeep. "Love" tawag niya.

Sa hindi malamang dahilan, bigla naman lumakas ang tibok ng puso ko. Nag-uunahan ang mga emosyon ko, may galit. May pananabik, may selos at buong pusong pagmamahal.

"Ano bang ginagawa mo?" Iritang tanong ko dito.

Akala ko ba okay na sa kanya? Pumayag na siya sa gusto ko diba?

I asked her to let go of me kasi yun lang ang paraang alam ko para hindi na niya ako masasaktan, pero hindi ko naman alam na yung pagbitaw niya eh mas lalo niya akong masasaktan ng paulit ulit.

"Hatid kita pauwi" nakangiting tugon nito.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko dito habang tinignan ito mulo ulo hanggang paa, wala namang bahid na aksidenteng nangyari sa kanya pero bakit parang wala siyang maalala sa nangyari.

"I'm not, love. Not yet" makahulugang sagot nito, showing her weak smile.

"Akala ko ba okay na?" Tanong ko ulit.

"Akala ko din" mahinang saad niya na may namumuong luha sa mga mata nito. "Liligawan kita, Clay"

Hindi ko alam anong nangyari pero bigla akong natawa sa sinabi niya. "Clay naman" sabi ng nakangusong Camilla.

"Hahaha" tawa ko sabay iling.

"Ano bang nakakatawa ha?!" Sigaw ni Camilla.

Nagulat ako sa pagsusungit nito pero hindi ko pinahalata. "Ikaw, ikaw ang nakakatawa" sabi ko sabay sakay sa jeep.

Laking gulat ko ng sumakay din siya dito. "Camilla, ano ba---"

"Ihahatid kita pauwi" putol nito sa 'kin.

I sighed. "Hindi pa 'ko uuwi, pupunta pa 'ko sa trabaho ko"

Kumunot naman ang noo nito. "You're working? Saan?" Tanong niya ng nakataas ang kanang kilay.

"Coffee shop" tipid kong sagot.

Tumango ito. "Oras ng trabaho?" Tanong niya.

"Ano bang pakia--"

"Wag mo akong susungitan dito, Clay. Hahalikan kita" bulong nito sa 'kin.

Napalunok naman ako sa bantang sinabi nito, alam kong gagawin niya talaga yun. "6-10" mahinang saad ko.

"Hintayin kita hanggang makauwi ka" seryosong saad niya. "Paano magbayad?" Dugtong niya.

Tinignan ko siya. "First time?" I smirked.

"Duh?" Umikot mata nito. "Lagi akong sumasakay ng jeep, ang dapat na tanong ko kasi eh magkano ang bayad" sabi niya na halatang nagpapalusot.

Tumango ako para ipakita na naniniwala ako sa sinasabi niya. "Asan na chip mo?"

abCWhere stories live. Discover now