Chapter Four

6.3K 197 30
                                    

Camilla's POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom ko, hindi na bago sa akin ang atensyon na nakukuha ko sa mga studyante dito. They crave for my attention, kaya naman sobra kung magpapansin.

Bago ko pa man din marating ang classroom ko, madadaanan ko muna ang mga silid aralan ng mga senior students. Nakita ko rin si Hannah, I wave at her. She then gave me a single nod, with a sweet smile.

Alam kong wala si love dun ngayon, last hour ang class niya kay Montano.

Halatang hindi ka interesado, tanda mo yung oras na sinabi ni Hannah sayo.

Pumasok na ako sa classroom ko, binati ko sila at ganon din ang ginawa nila. Meron pang 15minutes bago magumpisa ang klase, kaya naman hinayaan ko na muna makipagchismisan ang mga studyante.

Binabasa ko ngayon ang ididiscuss ko sa kanila mamaya, napatigil ako ng may nagbanggit sa pangalan ni love.

Pinanindigan na teh?

Bahagya kong inangat ang ulo ko, para malaman kung saan nanggaling ang usapan. I found out, na grupo nila Althea ang naguusap.

Nakatingin sa libro ang mga mata ko, pero nakatutok sa grupo nila ang tenga ko. Multitasking! Award!

I want to know, kung si Clay my love ang tinutukoy ng mga 'to.

"Transferee siya, galing province." Kwento ni Luna.

Mukhang tama nga ang kutob ko, si Clay tinutukoy nila. It makes sense, hindi ko man lang siya nakita last year.

"Hindi siya mukhang probinsyana" sabi nung Erika.

It's that supposed to be a compliment? Or an insult? Overprotective?

"Ano ba dapat itsura ng mga taga probinsya, Erika?" Iritang tanong ni Althea.

Good job, Althea. Unang araw pa lang alam kong magkakasundo tayo, you're smart. You're pretty---

"I like her, she's gorgeous" pagpapatuloy ni Althea.

Magkakasundo nga kayo, pareho kayo ng type. -.-

Baka naman, gusto niya lang makipagkaibigan. Marami naman ibig sabihin ang like diba?

Kalma lang heart. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko, uminom ako ng tubig dahil feeling ko ang sikip ng dibdib ko.

Ng biglang nagsalita ulit si Althea.

"Liligawan ko siya"

Liligawan ko siya

Liligawan ko siya

Liligawan ko siya

Muntik ko ng maibuga ang tubig, sana naibuga ko na lang pala.

Sa mukha nitong mangaagaw na babaeng 'to. Akin siya, akin lang.

Okay ka lang? Ni hindi ka nga niya kilala.

Then I think, it's time na ipakilala ko sarili ko sa kanya.

I am driven, lalo pa't may kakompitensya na ako.

Althea, dear.

May the best(ME) woman(ME) win(ME).

May I just remind you, you're a teacher and she's a student.

"Shit!" Kita ko ang gulat sa mata ng mga studyante ko. Oh dear, eto na naman bunganga ko.

"Shit, get one sheet of paper. May activity tayo" palusot ko.








Mabilis tumakbo ang oras, I'm handling my last period na.

abCWhere stories live. Discover now