Chapter Thirty Six

2.9K 96 4
                                    

Camilla's POV


Ilang linggo na nagdaan mula ng pumayag ako sa hiling ni Clay, at ilang linggo ko narin pinagsisisihan kung bakit ako pumayag sa gusto niya. Ilang linggo ko na siyang pinagmamasdan mula sa malayo, totoo pala yung sa palabas nila Popoy at Basha. Yung hihiling ka na sana, kahit isang beses lang. Lumingon siya sa direksyon mo at makita niya kung gaano ka, ka-miserable dahil wala siya. Ilang linggo ko ng hinihiling na sana bumalik siya sa 'kin.

Ilang linggo na Clay.

"Camy" tawag ni Hannah sa 'kin saka umupo sa harapan ko.

"Hmm?" Sagot ko habang nakatingin sa ibang direksyon.

Dinig ko pagbuntong hininga nito, I know she's worried. I am too, I'm worried na hanggang dito na lang talaga kami ni Clay. "Tumingin ka sa 'kin" utos nito sa 'kin.

Ayoko, Hannah. Baka di ko mapigilan ang luha ko, ayokong makita na naaawa ka sa 'kin. Ayokong makita sa mata mo na kailangan ko ng mag-move on kasi wala na. "Cam" muli niyang tawag sa 'kin.

Gaya kanina, hindi ko siya pinansin. "Ikakasal na si Clay sa Batangeñ--"

"What???!!!!!!" Mabilis ko 'tong tinignan.

Nagtaas ito ng kamay na parang sinasabi niyang hindi siya lalaban saka tipid na ngumiti. "Yun lang pala makakakuha ng atensyon mo"

"Is it true, Hannah?" I asked.

Kung meron man mas nakakaalam sa mga nangyayari sa buhay ni Clay, si Hannah yun. Simula kasi nung naghiwalay kami, hindi narin pumasok si Clay sa firm ni Daddy. Kaya naman nakakapasok narin ito sa klase ni Hannah, hindi ko din pinatigil ang scholarship na offered ng company. Wala din naman balak si Dad na itigil 'to dahil nga matalino si Clay.

"It's not" sagot niya, sabay kagat sa labi niya. "I just said that to caught your attention"

Napasuklay ako ng buhok ng wala sa oras. "Don't ever say that again, Hannah"

I was threatened before nung kami pa, I am more threatend today kasi wala na kami.

"I'm sorry, Cam." Paghingi ng dispensa ni Hannah saka umupo sa tabi ko. "Kung mahal mo, bakit di mo ipaglaban?" Sabi nito.

Hindi naman nasusukat ang pagmamahal sa kung hanggang saan mo ito kayang ipaglaban, minsan nasusukat rin ito sa kung bakit kailangan mo siyang bitawan.

"Ligawan mo ulit" sabi niya na siyang dahilan ng paglingon ko dito.

"Ligawan mo ulit si Clay mo" ulit niya habang tinataas baba ang kilay niya.

Napailing at napangiti ako, nahihibang na bestfriend ko. "Ayaw na niya Hannah, hindi niya ako mahal" tugon ko sabay yuko, hindi ko alam kung ilusyon ko lang lahat ng kilos ni Clay towards me. Pakiramdam ko, mahal niya ako kahit hindi ko naririnig mula sa kanya. Dinig ng puso ang hindi marinig ng tenga

Inakbayan niya ako. "Ayaw niya kasi nasasaktan siya?"

Tumango ako bilang sagot. "Bakit nasasaktan ang tao Camy?" Tanong niya.

Naguguluhan kong tinignan si Hannah. "Bakit nasasaktan ang tao Camilla?" Ulit nito.

Hindi ako kumibo, hindi ko alam saan pupunta ang tanong niya. "Nasasaktan ang tao kasi pakiramdam nila binigo sila ng taong mahal nila"

"Ng taong MAHAL nila" she stressed.

Then it hit me.

Mahal niya ako, mahal nga niya ako.

I hugged Hannah. "Oh bakit?" Natatawang tanong nito sa 'kin sabay yakap pabalik.

"Thank you" tugon ko. "You gave me hope" dugtong ko.

abCWhere stories live. Discover now