Chapter Twenty Two

4.1K 120 16
                                    

Camilla's POV


Balik na ulit kami sa dati, balik na ako sa pagiging clingy ko sa kanya. Kukulitin ko siya, mapipikon siya sa 'kin. Ang sweet no? Okay?

Kakapasok ko lang sa first class ko, una ko ng nasilayan ang matamlay na mukha ni Althea. Simula nung "date" nila, lagi na siyang ganyan. Hindi ko din alam anong nangyari pagkatapos nung walk out drama ko, Clay didn't say anything about it and I didn't bother to ask narin kasi baka magselos pa 'ko.

"Good morning, Class" bati ko sa mga alaga kong bubuyog.

"Good morning, Ma'am" bati nila pabalik.

"Ma'am ang blooming mo ngayon" komento ni haring Paolo.

Of course I am, naka score ka kagabi eh.

Napakagat labi ako ng maalala ko yung nangyari sa 'min ni Clay sa parking lot ng condo ko, hindi ko na kasi napigilan pa. Ang tagal pa naman ng elevator ng building na yun, kaya sa car na ako nagperform.

Ngiti lang ang tanging tugon na nabigay ko kay Paolo, hindi na 'ko sumagot pa at baka saan pa mapunta ang story. Napasulyap ulit ako kay Althea, para siyang namumutla. May sakit ba siya?

"Ms. Vito, are you okay?" Tanong ko sa kanya.

Tumango lamang ito at tipid na ngumiti sa 'kin, kausapin ko na lang after class.

Nagsimula na akong mag-discuss, tulad ng isang normal na classroom. May ibang students na nakikinig, yung iba naman inaantok. Meron din mga great pretenders, sila yung mga students na tatango tango sayo na akala mo naiintindihan nila at nakikinig pero yung utak nasa kalawakan. Napagdaanan ko din ang stage na 'to, kaya kahit nakakainis hinahayaan ko na lang. Ang laki siguro ng galit sa 'kin ng prof ko dati, medyo pasaway kasi ako eh.

Medyo? Storya ko 'to, gumawa ka ng sayo.

Patapos na unang klase ko, mukhang napaintindi ko naman ng maayos ang lecture kanina. Bago ko makalimutan, I need to talk to Althea.

"Althea, please stay after class" utos ko dito.

Gaya kanina, tumango lang ito sa 'kin. Hindi ako sanay na ganito siya, oo hindi ko siya gusto sa relasyon namin ni Clay pero gusto ko siya bilang studyante ko. Matalinong bata si Althea, masayahin kaya nakakapagtaka ang mga kinikilos nito.

Nagsilabasan na mga students ng tumunog ang bell, pinaupo ko si Althea sa front row. "Althea--"

"I'm sorry, I know wala yung utak ko sa klase. Babawi ako Ms. Suarez" malungkot na hayag nito.

"May problema ka ba? Pwede mo naman sabihin sa 'kin" dalawa lang naman problema ng kabataan, problema sa pamilya or problema sa love life.

Tinignan niya ako na parang may gusto siyang sabihin pero umiling lamang ito saka yumuko. "Is this about that special someone?"

Tanging tango ang sinagot niya sa tanong ko, nacucurious tuloy ako kung anong nangyari sa date nila ng girlfriend ko.

"A-ayaw niya sa 'kin" garalgal na sabi nito habang nakayuko.

Is she crying? Check mo teh.

Lumapit ako dito saka umupo sa tabi niya. "Hey, you can tell me"

Lumingon siya sa 'kin, pulang pula ang mata niya kakapigil ng luha niya. She's hurt and I feel sorry for her. "I-inamin ko na sa kanya nung isang araw, and she r-reject me" tahimik na umiiyak si Althea.

Hindi ko alam paano siya damayan, naaawa ako sa kanya pero hindi maalis sa 'kin ang magdiwang. Malungkot ako para sa kanya pero masaya ako para sa 'kin. "S-sabi niya, may mahal na siya"

abCWhere stories live. Discover now