Chapter Seven

5.1K 188 57
                                    

Camilla's POV

Mabilis nagdaan ang mga araw.

Simula nung epic fail na lunch date, hindi na ulit ako nagpakita kay Clay.

Hindi man niya ako nakikita, pero binabantayan ko siya. Stalker alert!

Simula ng malaman kong hindi siya nag-lalunch, lagi akong may inuutusan para dalhan siya ng pagkain sa library. Ayokong nagpapalipas siya ng gutom, at hindi naman ako tanga para hindi malaman ang dahilan kung bakit hindi siya kumakain.

Mag-iisang buwan ko narin ginagawa yun, minsan tinatanggihan na ni Clay. Pero, mahigpit kong bilin sa kasambahay ni daddy na wag umalis hanggat hindi niya kinakain ang dala niya.

Masaya na ako kahit papano, masaya ako na kahit sa ganitong paraan naaalagaan ko siya. Alam ni Hannah ang lahat ng ginagawa ko, tinatawanan nga niya ako kasi si Clay lang daw pala ang magpapatorpe sakin.

Sa ngayon, tinitiis ko lahat. Yung pananabik na makausap siya, makasama at mayakap.

Yun lang?

I want to kiss her, I want to touch her. I want to make love with her.

I ache for her kisses, I crave for her touches. I long for her to make love with me.

Kakatapos lang ng lunch break, naglalakad ako ngayon pabalik ng classroom ng bigla akong nakaramdam ng ihi.

Dumaan na muna ako ng banyo, bubuksan ko na sana ang pinto ng may narinig akong pamilyar na boses.

It was Althea and Clay.

Hindi na ako pumasok at nakinig na muna sa pinaguusapan nila.

"Ikaw ba yun? Ikaw ba yung nagdadala ng pagkain sakin tuwing lunch time sa library?" Tanong ni Clay.

No love, it was me.

Namilog ang mga mata ko sa sinagot ng cobra."A-ah. Oo, ayaw mo kasi sumabay sakin"

Sinungaling!!!!

Gusto ko siyang sigurin, gusto ko siyang sampalin. Gusto kong isagaw sa palaka niyang mukha na ako yun!!!

How dare her take credits for something she didn't do!

Hindi na ako nagtagal pa dun, mabilis na akong naglakad pabalik ng classroom. Nakayukom mga palad ko sa galit, wag lang may haharang harang sakin at baka masuntok ko pagmumukha nila.

Natapos na ang buong klase ko sa hapon, hindi ko naman pinakita sa mga students na wala ako sa mood. Isa pa, wala naman silang kasalanan.

Nagmadali narin akong lumabas at tinakbo ang faculty ni Hannah.

Tamang tama, pagdating ko dun. Nagsialisan na mga ibang guro, si Hannah na lang at ako ang naiwan.

Kinwento ko ang nangyari, para naman akong batang nagsusumbong sa kanyang nanay. Kailangan ko kasi mailabas 'to, feeling ko sasabog ako.

"Kasalanan mo rin yan eh" sabi ni Hannah, that earn her a death stare from me.

"I'm sorry, pero may kasalanan ka rin talaga" pagpapaumanhin niya.

I gave her a care-to-explain-why look.

"Kung ikaw na mismo gumawa nun, kung hindi ka nagtatago. Eh di sana walang gantong issue ngayon" panenermon niya.

"Can't you see why I did those things? I want to protecr her, I want to protect my career. Alam mong bawal ang ganto diba?" Defensive kong pahayag.

"Really Camy? Sakin ka pa talaga mag-sisinungaling?" Iritang tanong ni Montano.

Yes I lied, I don't care about what people say. Wala akong pakialam sa sasabihin nila dahil hindi ko naman ikakayaman o ikakahirap ang opinyon nila.

abCWhere stories live. Discover now