Chapter Forty

2.8K 93 1
                                    

Trigger Warning!!! (Sexual Assault)


8years ago.

"Papa, bakit ba lagi kayo umaalis?" Tanong ko kay Papa.

Tuwing sabado lang kasi siya umuuwi sa 'min, pagdating naman ng linggo lumuluwas na ito.

"Kasi kailangan kong magtrabaho" sagot nito habang inaayos ang idadalang gamit. "Bakit? Namimiss mo ba ang papa?" Paglalambing niya sa 'kin.

Malungkot akong tumango sa kanya.

"Halika nga" tawag sa 'kin ni Papa saka pinaupo sa tabi niya. "Namimiss din kita lagi, kayo nila ate mo." Sabi nito saka ginulo ang buhok ko.

"Papa, bakit kailangan mong magtrabaho?" Tanong ko dito.

"Eh kailangan, kasi paano ko mabibili ang gusto ng bunso ko?" Masayang sagot ni Papa saka ako kiniliti.

"Hahahahaha! Tama na Papa!" Natatawang pigil ko dito.

"Hahaha. Ano? Magtatanong ka pa ba?" Tanong nito sa 'kin na may halong pagbabanta.

"Hindi na po, Papa" I giggled.

"Clay, matulog ka na." Utos ni Mama na kakapasok lang ng kwarto nila ni Papa.

Pareho kaming lumabi ni Papa. "Tigilan niyo 'kong dalawa, mag-aalas onse na." Pagsusungit ni Mama.

"Oh yakap na sa Papa" sabi ni Papa saka ako niyakap ng mahigpit.

I hugged him back, malamang paggising ko nakaalis na ito. Sabi ni Mama, sa construction daw nagtatrabaho si Papa at isa daw itong foreman.

"Pakabait lagi at mag-aaral ng mabuti ha?" Bilin sakin ni Papa saka mariin pinisil ang pisngi ko.

"Araaaay" reklamo ko habang hinihimas ang pisngi ko. "Opo Pa, mag-aaral ako ng mabuti para maging magaling na doktor ako paglaki ko." Punong puno ng pangarap kong sinabi dito.

"Aba, gusto pala mag-doktor 'tong anak mo eh" muli niyang ginulo ang buhok ko saka bumaling ng tingin kay Mama.

Nakangiti naman si Mama. "Kaya matulog ka na para lumaki ka" biro nito sa 'kin, ngumuso ako kaya naman natawa ito. "Hala, sige na. Magsipilyo ka muna bago matulog" tulak ni Mama sa 'kin.

"Sundin mo na si Mama mo, Clay. Gusto na ako masolo nito" sabi ni Papa saka kumindat sa 'kin.

Natawa ako kasi hinampas siya sa braso ni Mama, nakangiti akong lumabas ng kwarto nila. Mahal nila Mama ang isa't isa, masaya ang pamilya namin.

Tumuloy na 'ko sa kwarto namin ni ate pagkatapos kong magsipilyo. "Naghugas ka na ba ng paa?" Tanong ni ate.

Inangat ko naman ang isang paa ko at iniharap sa mukha nito. "Ano ba, Clay?!!" Sigaw ni ate habang pinalo palayo ang paa ko.

"Hahahahahahahaha"

"Kutusan kita dyan eh!" Banta ni ate.

"Subukan mo, sasabihin ko kila Papa na may boyfriend ka na" panunukso ko kay ate saka dumila dito.

Malayo ang agwat namin ni ate, 17years old na siya samantalang 10years old pa lang ako.

"Ikaw, nagiging salbahe ka na ha" nakabusangot na sabi niya sa 'kin.

Lumapit ako at niyakap si ate. "Biro lang yun, hindi ako magsusumbong"

"Hmm. Totoo ba yan?" Paniniguro ni ate.

"Oo naman, cross my heart hope you die" nakangising sabi ko.

Binatukan naman ako ni ate. "Makatulog na nga" saad nito.

abCWhere stories live. Discover now