Chapter Thirty Nine

2.7K 92 6
                                    

Clay's POV


"Oh she's here" batid ang tuwa sa boses ni Mr. Suarez

Lumingon ako para makita ang taong magiging kabiyak ng tatay ni Camilla.








I was shocked.









I was hurt.








I felt numb kaya hindi ko napansin ang paglaglag ng hawak kong baso.

"Love, okay ka lang? Are you hurt?" Camilla uttered.

Yes, Mio. I am hurt, deeply.


Gusto kong umiyak! Gusto kong magwala! Gusto ko siyang sumbatan! Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya kami tinalukaran, gusto kong malaman niya kung ano nangyari sa 'min nung iniwan niya kami.

Gusto kitang yakapin, Mama.


Pero kasalanan mo! Kasalanan mo lahat!!

"Clay" tawag niya sa 'kin.

Ako nga, Ma. Naaalala mo pa pala ako, "Mama" I whispered, pero alam kong narinig ni Camilla yun.

Akmang lalapitan niya ako kaya umatras ako, walang emosyon ko siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Eto ba ang buhay na gusto mo, Ma? Kaya mo nagawang iwan ang pamilya mo? Para dito?

"Love" tawag sa 'kin ni Camilla na halatang kanina pang nag-aalala.

Hindi ako kumibo, hindi ko alam anong sasabihin ko. Gusto ko ng umalis dito, pero parang lantang gulay ang mga binti ko at di ko magalaw ang mga ito.

Hiningi ni Mr. Suarez ang katahimikan. "First things first, I would like to thank you all for coming and helped us celebrate our special day" sabi nito saka inakbayan ang nakangiting babae sa tabi niya. "Second, I would like you all to meet Luisa. Karamihan sa inyo kilala na siya, kilala siya bilang partner ko sa buhay" natatawang saad nito. "Pero gusto ko sana baguhin ang pagkakakilala niyo sa kanya, this is what the party's for"

Halata ang pagtataka sa mukha ni Mama, humarap si Mr. Suarez dito saka lumuhod.

Hiyawan ang tanging maririnig sa loob ng mansyon nila, inilabas ni Mr. Suarez ang kahon ng singsing. "Darling, will you give me the honor to be your legal husband?" Nakangiting tanong nito.

She was crying, tears of joy I guess. How could you?

She met my eyes, hindi naman ako nagpatalo at nakipagtititgan din dito.

"Darling, matanda na 'ko. Hindi na malakas ang tuhod ko." Biro ng tatay ni Camilla kaya naman lahat napatawa, maliban sa 'kin at kay Camilla na tila ang daming gumugulong tanong sa utak niya.

"Of course, darling" sagot ni soon to be Mrs. Suarez.

Palakpakan at hiyawan ang sumalubong sa dalawa, kamayan dito at beso doon.

I felt Camilla's hand, squeezing mine. "I'll just congratulate them, then let's go home." Sabi nito saka lumapit sa tatay niya.

They hugged each other, they look like a perfect family.

Family.

Yun ang pinagkait mo sa 'min, Mama.

Sobrang sakit na, tumalikod ako para hayaan na bumagsak ang mga luha ko.

Ate, kailangan kita dito.

"Clay" tawag sa 'kin ni Mr. Suarez, dali-dali kong pinunasan ang pisngi ko saka huminga ng malalim.

Lumingon ako sa kanila, tinignan ko si Camilla. Puno ng pag-aalala ang mata nito. "Clay, I want you to meet Luisa." He introduced me to her.

Kilala ko na siya, sir. "Clay" malungkot na tawag sa 'kin ni Mrs. Suarez.

abCWhere stories live. Discover now