Chapter Thirteen

4.8K 146 13
                                    

Clay's POV

"Camilla Mionette Suarez. Nice to meet you, love"

Hindi ko alam anong mararamdaman ko ngayon. Gusto kong maging masaya, gusto kong magdiwang kasi yung taong gusto ko.

Gusto din ako.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

Masaya, sobrang saya.

Takot, sobrang natatakot.

Paano kung malaman niya ang totoong ako? Paano kung makita niya kung gaano kagulo ang buhay ko? Magugustuhan niya parin kaya ako?

Sobrang nakakatakot, kasi sa twing kasama ko siya. Nakakalimutan ko ang aking nakaraan, nakakalimutan ko ang sakit.

Yung sakit ng nakaraan na nagbibigay sakin ng dahilan para mag-aral ng mabuti, yung kalupitan ng nakaraan na nagpapalakas sakin ngayon para makasama ang kapatid ko.

Malakas ako, pero mahina ako pag-andyan siya.

Ayoko siya sa tabi ko, pero hindi ko rin kaya na nasa malayo siya.

Tinignan ko ang inilahad niyang palad, saka ko siya tinignan sa mata.

Paano mo nagagawa sakin 'to? Ang tagal kong pinagaralan kung paano kontrolin ang emosyon ko, pero bakit pagdating sayo natural silang nagpapakita.

Tumayo ako at tinanggap ang kanyang kamay.

"Clay Madison Aquino. It's nice to meet you too, Mio" sinserong sabi ko, habang nakatitig sa mga mata niya.

"Mio? That's a first, I like it." Nakangising sagot niya.

Hindi niya parin binibitawan ang kamay ko, medyo nakakangalay na.

"Ahm, Mio" nahihiyang sabi ko.

"Yes, love?"

"Y-yung kamay ko" sabi ko saka yumuko bigla.

She giggled, ang cute ng niya.

Totoo ba 'to? Kami na ba?

"Sorry, love. Lambot kasi ng kamay mo" sabi niya saka lumapit sakin at niyakap ako.

Bumibilis na naman tibok ng puso ko, ramdam niya ata kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sakin.

"Akin ka na, love ha?" Parang batang nagpapaalam.

Napangiti ako, ang tagal ko narin hindi ngumingiti. Pero ginawa ko lang 'to kasi alam ko naman na hindi niya nakikita.

"Looooove!" Pagmamaktol niya.

Kaya naman yumuko ako para tignan siya, ang cute ng girlfriend ko.

Ang sarap naman sa pakiramdam sabihin yun.

"Ano?" Tanong ko sa kanya.

"Sabi ko, akin ka na. Girlfriend na kita" nakangusong sagot niya.

Gusto ko siyang halikan, mapupulang labi niya na hindi ko pagsasawaan.

Huminga ako ng malalim saka tumango bilang sagot sa sinabi niya.

"Yehey!!!!" Sigaw niya.

Pinaulanan naman niya ako ng mumunting halik sa mukha, hindi ko na maitago 'tong nararamdaman ko.

Napangiti ako, ang cute niya kasi.

Ngitian ko siya, dahilan ng pagkatulala niya.

Kumunot ang noo ko. "Mio, okay ka lang ba?"

Nakatitig lang siya sakin, kaya naman mahinhin ko siyang niyugyog.

"You smiled" saka ngumiti ng pagkatamis tamis.

abCWhere stories live. Discover now