Chapter Twenty Eight

2.9K 99 1
                                    

Camilla's POV


"Kainis!"

Kanina ko pa hinahanap si Clay, hindi ko alam kung nakapaglunch na ba yun. Hindi ko rin magawang tawagan dahil sa biglang pagpanaw ng aking telepono.

Ilang araw narin kasi kami hindi nagsasama, dahil dyan sa lintek na unggoy na yan. Nakakainip na, nakakainip na puro calls and texts lang kami. Dagdag mo pa ang limited edition na sagot nung bata, limited with no emojis.

Lingon dito, lingon dun.

Nakarating ako sa likod ng building nila, hindi nga nagkamali ang mga paa ko at dinala ako dito.

Teka lang, gawin natin mas romantic. Huh?

Take 2!

Nakarating ako sa likod ng building nila, sinunod ko ang sigaw ng puso ko at hindi ako nagkamali.

Tanaw ko mula dito ang isang anghel na nakaupo sa ilalim ng puno. "Hi love, I mis--"

-.-

Punyetang unggoy.

Ang kapal ng pagmumukha nitong Althea na 'to, may pahalik halik pa siyang nalalaman. Itong Clay naman, nagpapaharot. Makita mo, Aquino. Pagkatapos ng lahat ng 'to, ipapakita ko sayo ang listahan ng mga kasalanan mo sa 'kin.

Lumingon si Clay sa direksyon ng kinatatayuan ko, at bago pa man masundan ni Althea ang tingin nito. Naglakad na 'ko palayo, ngayon lang 'to Clay.

Sa susunod na may ganitong eksena ulit, dalawa kayo ng babae mo ang papatayin ko.

Tinapon ko na lang sa trash bin ang binili kong pagkain para kay Clay, mukha naman inaalagaan siya nung Althea.

Napahinto ako sa hallway.

Inaalagaan siya ni Althea, ako dapat ang gumagawa nun. Paano na lang kapag nasanay ang bata dun? Hindi na niya ako kakailanganin. Hindi pwede!

Naglakad ako pabalik sa lugar nila.

"Huy Camy!" Tawag sa 'kin ni Hannah.

Huminto ako. "Ano?" Walang ganang tanong ko.

Sinuri naman nito ang mukha ko. "Anong problema mo? Bakit hindi maipinta yang mukha mo?"

Hindi ko siya sinagot, sa halip napabuntong hininga na lang ako at nagpameywang.

"Si you-know-who ba?" Sabi nito.

Aba't napasali pa si Volte-- you-know-who dito. Isa ka pang tanga eh.

Mabuti ng nakakasiguro tayo, mahirap ng banggitin ang pangalan nun.

"Sino?" Asar na tanong ko dito.

"Tsk. Yung love mo ba? Kaya ka ganyan?" Tanong nito.

Wala namang hindi alam si Hannah tungkol sa mga nangyayari sa 'kin. She's very well informed about my issue with Althea, sang-ayon din siya sa desisyon ni daddy na lumayo muna kay Clay.

"Malapit narin naman, Camy" saad niya saka tinapik ang balikat ko.

Gusto kong mag-protesta, anong malapit? Ilang araw pa nga lang parang nakakalunod na, ano pa kaya yung buwans?

Buwans? Plural form, add s or es.

Pambihira! Maniwala ka, teacher ako.

"Tama ba talaga 'to Hannah? Kasi pakiramdam ko, malalayo lang sa 'kin si Clay eh." Malungkot na tanong ko dito.

Natatakot ako, nakakatakot isipin na baka bukas paggising niya. Iba na ang gusto niya, iba na kailangan niya.

Hindi ko yun kakayanin.

abCTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang