Chapter Twenty Six

3.3K 100 20
                                    

Camilla's POV


Months have passed, so far everything is going great between me and Clay. She never failed to make me feel kilig, and I never failed to make her feel inis. 😂

Hindi man nawala ang mga asungot sa relasyon namin, Clay assured me na ako lang. Ganun pa man, hindi parin ako kampante. I might lose her, in a blink of an eye. Hindi parin mawala sa utak ko ang sinabi ni Althea noon, aagawin niya raw sa 'kin si Clay.

Pakyu.

I never had this kind of issues back when I was with Sam, was it because no feelings were involved then? Kaya ba ngayon ko lang napapansin 'tong mga kontrabida na 'to?

"Konti na lang, Camilla" I said to myself.

Konting panahon na lang, malaya ko ng ipagsigawan sa mundo na akin si Clay Madison Aquino.

Kakahatid ko lang kay Clay sa boarding house nila, hindi ko maintindihan sa babaeng yun kung bakit ayaw niya na lang dito sa unit ko tumira. Halos lahat naman na ng gamit niya andito sa 'kin, na unti unti mong kinukuha without her knowledge.

I smiled to myself.

Sa 'twing susunduin ko siya for a sleepover, unti-unti ko ng kinakarga mga gamit niya. Hindi ko alam kung hindi niya napapansin o sadya lang wala siyang pakialam. Hindi naman siya against sa idea of us living in the same roof, kaso hindi lang pa daw MUNA ngayon. Siguro, naiisip niya yung situation namin. Mahirap nga naman yun kung sakaling may makaalam, though I'm sure na pwede ko naman lusutan yun. Nirespeto ko na lang ang desisyon ng bata.

"Good evening, Ma'am" walang ganang bati nito.

I was waiting for the elevator and to my twisted luck, I heard her voice. Kahit hindi na ako lumingon, kilala ko kung sinong nagmamayari ng boses na yun.

"Good evening too, Althea" bati kong pabalik as I turn my head to see her.

Bakit ganon siya makatingin sa 'kin? Kita ko sa mata nito ang galit, disappointment, betrayal, hurt and vengeance.

Napakunot noo ako. "Is there something wrong, Althea?"

"Marami" makahulugang saad nito.

Naguguluhang tinitigan ko ang pato, I turn my back on her when I heard the elevator.

"Sandali" grabbing my arm and ceased me from walking towards the elevator.

Tangina nito ah!

"What are you doing?" Tinaasan ko 'to ng kilay, sabay sulyap sa kamay niya na hawak-hawak ang braso ko.

Hindi niya ito binitawan, mas lalo niya pa hinigpitan ang hawak.

Wag mo 'kong susubukan, kahit na estudyante kita. Hindi ako magdadalawang isip tanggalan ka ng mukha.

"What are YOU doing?" Throwing back the question I just asked her.

Inalis ko ang kamay niya sa braso ko. "I don't have time for this game, Althea. Kung may sasabihin ka, sabihin mo na" naiinis na tugon ko dito.

Tumawa ito na akala mo siya ang CEO ng mga plastic container sa pinas. Plastik niya, upakan mo na.

"You don't have time to play a game, cause games are for children right?" Saad nito na parang may gustong tumbukin.

Bago pa man ako makasagot, itinuloy na niya ang pagsasalita. "Then why are you playing a dangerous game, Ms. Suarez? Why are you playing with Clay?" May halong inis at galit ang boses nito.

I swear to God, my heart nearly drop when she said about me and Clay. She knew, pero paano? Nag-iingat naman kami ni Clay, is she stalking her?

Hindi naman ako nagpasindak sa kanya, I wont give her that satisfaction na tama ang pinagsasabi niya.

abCWhere stories live. Discover now