Chapter Twenty One

4.1K 125 3
                                    

Camilla's POV


Tatlong araw ko na din hindi pinapansin si Clay, tatlong araw simula nung piliin niyang mag-stay sa Althea na yun kaysa sumama sa 'kin.

It's hard for me to ignore her, her calls and texts. Hindi ko rin alam kung bakit ko dinadagdagan 'tong sakit na nararamdaman ko ngayon, I don't know what I'm trying to prove here.

Am I trying to make Clay understand why I'm being like a spoiled brat?

I want her to understand why I'm hurting.

Masakit.

Masakit para sa 'kin na kailangan bantayan ang bawat galaw namin.

Masakit para sa 'kin na hindi namin nagagawa lahat ng pwedeng gawin ng mga "normal" na tao.

Masakit para sa 'kin na hindi ko man lang magawang sabihan ang mga taong lumalandi sa kanya to back off kasi girlfriend ko yan.

Masakit kasi sa sitwasyon namin, nakikita ko na may mas karapatdapat sa kanya.

Nakikita ko, nararamdaman ko. That's why I'm being this overly attached girlfriend to Clay.

It's because, I'm threatened.

May mas babagay sa kanya, may mas magpapasaya sa kanya.

"Tigilan mo nga 'yan, para kang tanga" saway ni Hannah sa 'kin.

Andito ako sa faculty nila ngayon, naikwento ko rin kay Hannah ang nangyari nung gabing yun.

"Ang sakit kasi!" Angal ko.

"Sinusuyo ka nga nung bata diba? Ikaw 'tong pakipot" iling na sabi niya.

Tama po kayo ng basa, sinusuyo ako ni Clay.

May konting kilig, konti lang kasi nasasaktan parin ako.

I smiled, thinking na sinusuyo niya ako. Hindi kasi siya yung klase ng tao na magpapakita ng emosyon, pero sa ginagawa niya napaparamdam niya sa 'kin na mahal niya ako.

Nakita kong papalapit si Hannah sa 'kin, she leaned closer saka bumulong. "Baliw"

I agree!!!!

Nawala ang ngiti ko, tinignan ko siya saka tinaasan ng kilay. "Nagmamahal lang" sabay tingin sa phone ko.

Natawa siya sa sinabi ko, may kung ano anong bagay siyang sinabi pero hindi ko na pinansin.

Maalala ko, hindi pa pala nagtetext sa 'kin si Clay simula nung lunch.

Magkasama ba sila? "Aray!!" Kinutusan lang naman ako ni Hannah. "Umayos ka nga, kanina nakangiti ka tapos ngayon nakakunot yang noo mo" tinignan niya ako na parang isang wirdong tao.

"Eh bakit ba kasi? Gusto kong mag-emote" pagtataray ko. "Hindi man lang nagtext kung papunta na siya sa trabaho" bulong na sabi ko.

"Sino bang gaganahan na itext ang taong hindi naman marunong sumagot?" She said while crossing her arms.

"Kahit na" walang ganang sagot ko.

Ano ba 'to! Paano namin icecelebrate ang 1st month namin kung ganito kami? Wag ka kasi mag-inarte.

"H-Hannah" kabadong tawag ko dito.

Inaayos niya mga papers sa lamesa niya. "Hmm?" Sagot niya ng hindi lumilingon.

"1st month namin in 4days, anong gagawin ko?" Tanong ko dito saka kinagat babang labi ko.

Lumingon siya sa 'kin at binigyan ng nakakalokong ngiti. "First time mo?"

abCWhere stories live. Discover now