A

20.4K 280 45
                                    

AaA...

"Sos, huwag mo naman akong iwan please." Paki-usap ko kay Solen. Habang hinahabol ko siya. Wala na akong pakialam ngayon kung madami ang nakatingin sa akin basta isa lang ang nasa isipan ko ang maabutan ko si Solen.

"Glai, huwag mo na akong habulin kasi kahit na maabutan mo man ako ay hindi na magbabago ang pasya ko." Sagot ni Solen habang hinarap niya ako.

"Sos, oo aaminin ko nagkamali ako, pero one night stand lang yung nangyari sa amin." Paliwanag ko.

"Yun na nga eh, ipinagpalit mo ang apat na taong pinagsamahan natin sa one night stand lang." Sagot niya.

"Ano bang gagawin ko para mapatawad mo ako?" Paki-usap ko sa kanya.

"Layuan mo ako at huwag ka nang magpapakita sa akin!" Galit niyang sabi.

"Sos, hindi mo na ba ako mahal?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo na ako madadala diyan sa paawa epek mo Glai, kasi ilang beses mo nang ginawa sa akin to eh. Akala mo naman ikinagwapo mo yung ginagawa mo." Galit pa din niyang sabi.

Lumuhod ako sa gitna nang daan para lang lapitan niya ako. Pero ang nangyari ay hindi niya man lang ako nagawang lingunin. Patuloy siya sa paglalakad hanggang sa hindi na siya maabot nang aking paningin.

Tumayo ako dahil hindi umobra ang drama ko ngayon kay Solen. Paano na to. Tanong ko sa sarili ko. Naka-upo ako sa may bench at nagmuni muni. Bakit ba kasi pinatulan ko ang ungas na yon.

"Baliw ka talaga Glaiza!" Sampal ko sa sarili kong mukha. "Apat na taon kayo tapos sinayang mo lang." Dagdag ko.

"Pwedi bang maki-upo sa tabi mo?" Boses nang isang babae.

Nang tingnan ko ito ay unang napansin ko ang kanyang kulay brown na mata. At ang ganda nang kanyang mukha. Sa palagay ko dayuhan lang ito dito.

"Sure." Sagot ko.

"Thanks." Sabi niya habang nakangiti.

"Baguhan ka ba dito?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi dati na akong pumupunta dito noong bata pa lang ako." Sagot niya na medyo british ang accent.

"Glaiza by the way." Sabi ko habang inabot ko sa kanya ang aking kamay.

"Rhian and sorry I don't do handshakes.." Sagot niya.

Medyo na offend ako dun pero kung ganito ba naman kaganda ang mang ooffend sa akin ay hindi ko iisipin yun.

"May kasama ka ba dito?" Tanong ko ulit.

"No, I mean yes pero hindi ko pa siya nakikita eh. Sabi niya kasi dito daw kami magkikita." Sagot niya.

"Ah, boyfriend mo?" Tanong ko ulit.

"No." Tipid niyang sagot.

"Miss sorry if medyo madaldal ako ha. Hindi ko lang kasi mapigilan sarili ko eh." Sabi ko.

"It's fine, I like chatty people." Sagot niya.

English yun ah. Kaya hindi nalang ako sumagot baka dudugo ilong ko.

"By the way, may malapit bang hotel dito?" Bigla niyang tanong.

"Oo meron pero sasakay ka muna nang motor bago ka makarating doon. Alam mo naman dito sa probinsya namin malayo sa kabihasnan." Sagot ko.

"Okay, siguro kailangan ko nang umalis kasi hindi na raw makakarating ang kaibigan ko eh. As usual inindiyan na naman ako." Sabi niya.

"Eh, sa gandang mong iyan may mang iindiyan pa sa'yo?" Biro kong sabi.

Pero tumawa lang si'ya sa akin at tiningnan niya ako na parang binabasa niya pati ang kaluluwa ko.

"I like you." Sabi niya.

"Ano?" Tanong ko.

"I said I like you." Sagot niya ulit.

"Miss sorry pero hindi ako easy girl." Nahihiya kong sagot.

"No,no. It's not what you think sabi ko. Gusto kita as ikaw. Hindi ko naman sinabing I love you diba?" Paglilinaw niya.

Pahiya ako doon ah. Pero ngumiti nalang ako dahil ramdam kong namamaga at namumula na ang aking pisngi.

"Pasensya kana kung medyo tackless ako. Vocal lang kasi akong tao eh." Sabi niya.

"Okay lang, kasalanan ko naman assumuming din kasi akong tao eh." Sagot ko.

Tumawa lang siya at aaminin ko ang ganda ng kanyang mga ngiti ang mga ngipin niya na sobrang puti at idagdag mo pa ang sexy niyang tawa, konti na lang at mahuhulog na ako sa kanya.

"Hey," sabi niya.

"Sorry nadadala lang ako sa tawa mo." Sabi ko.

"I guess I have to go." Paalam niya.

"Okay take care, nice meeting you Rhian." Sabi ko sa kanya.

"Nice meeting you too Glaiza." Sagot niya.

At iyon na ang una at huling pagkikita namin ni Rhian. Lumipas ang maraming taon pero hindi na siya bumalik sa lugar namin. Kasabay nang pagkawala ni Solen sa buhay ko ay ang pagtubo naman nang nararamdaman ko para kay Rhian. Kahit na sa maikling oras lang kami nagkakilala pero hindi ko na makalimutan ang kanyang mukha at lagi kong natatandaan ang kanyang pagtawa.

Rhian, ang daming Rhian sa buong Pilipinas paano ko kaya siya mahahanap. Nakahiga ako habang iniisip ko ang mga sandaling nakaharap ko ang isang Dyosa sa mga panahong iyon parang bumagal ang takbo nang oras kasi kahit na sa maikling oras na iyon ay hanggang ngayon presko pa din sa aking isipan ang aming pinag uusapan noon.

"Glai," tawag sa akin ni Kylie.

"Bakit Ky?" Tanong ko sa kanya.

"Alam mo ikaw kung gusto mong balikan ka ni Sos, magtino kana kaya. Ang dami dami mong babae Glai ganyan ka ba kalandi?" Panenermon niya.

"Ky, ano bang magagawa ko? Sila ang lumalapit sa akin eh, sino ba naman ako para tanggihan ko sila?" Pagdadrama ko.

"Ewan ko sa'yo akala mo naman ang guwapo guwapo mo eh. Hoy Glaiza magbago kana hanggat di pa sila nauuntog." Sabi niya.

"Ikaw parang di kita pinsan ah. Alam mo naman na sa iisang tao lang ako nagseseryoso eh at yung taong yun iniwan ako." Sagot ko.

"Kaya ka iniwan dahil diyan sa kalandian mo." Sagot naman niya.

"Si Solen Glai good catch na yon eh. Kaso sinayang mo." Dagdag pa ni Kylie.

"Pinsan ba talaga kita?" Tanong ko.

"Oo pinsan mo ako. Kaya nga ganito ako sa'yo eh. Kasi concern ako sa'yo Glai." Sabi ni Ky.

"Okay lang ako Ky, hinding hindi na ako masasaktan pangako yan." Sabi ko.

"Ayusin mo na kasi sarili mo. Para kung sakaling babalik si Solen eh, maipagmalaki mo sa kanya na nagbago kana." Sabi niya.

"Magbabago ako Ky kapag ramdam ko na karapat dapat sa akin ang taong maging reason para itigil ko na ang kahibangan kong ito." Sabi ko.

"Naghahanap ka lang nang rason eh. Alam ko naman lahat ng naging babae mo pinaglaruan mo lang eh." Sabi niya.

"Kasi nga hindi sila karapat dapat saka, ang lalandi nila Ky. Kaya hanggang kalandian ko lang din sila." Paliwanag ko.

"Sino namang magseseryoso sa'yo kapag nalaman ang background mo? Natural laru laro lang din gusto nila." Sagot niya.

"Basta huwag kang mag alala sa akin okay? Kaya ko sarili ko." Sabi ko.

"Bahala ka na nga. Sana matauhan kana Glai." Sabi ni Kylie habang pumasok na siya sa kuwarto niya.

Naiwan akong mag isa at napa isip tuloy ako sa mga sinasabi ni Kylie. Sino nga naman magseseryoso sa akin kung ganito ako palagi. Isang certified play girl. Nakakapagod din kaya ang ganitong klaseng buhay. Sana dumating yung taong magpapatino sa akin. Sabi ko sa sarili ko.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now