M13

3.4K 140 30
                                    

M13...

Ito na ang pinaka masayang birthday sa buong buhay ko. Hindi ko inakalang sa harapan ng maraming tao ay aalokin ako ni Glaiza ng kasal. At sa mismong big night niya pa itinaon. Hindi lang din ako ang masaya kundi pati na rin sina Mom and Dad, mas excited pa nga sila kaysa sa akin. Ikakasal na kami ni Glaiza one week from now kaya naman bukas ay lilipad na kami patungong London dahil doon gaganapin ang aming kasal.

"Lab, gusto ko after ng kasal natin sa New York tayo maghoneymoon." Malambing kong sabi kay Glaiza.

"Kung saan mo gusto lab, alam mo namang boss kita eh." Sagot niya habang nagstrum siya ng gitara niya.

"Sina Mom and Dad kailan daw ba susunod sa atin?" Dagdag niyang tanong.

"Naku baka sa susunod na araw pa sila lab, busy kasi sa negosyo alam mo naman, hindi nila basta bastang maiwan ang company eh." Sagot ko.

"Yun nga ang iniisip ko lab, hindi na pabata sila Mommy kailangan na nila ang tulong mo." Sabi niya.

Alam ko kung ano ang ibig sabihin ni Glaiza, concern siya sa parents ko pero hindi ko kasi talaga kayang hawakan ang negosyo namin lalo na't hindi ako pwedi na laging mastress dahil sa kalagayan ko, at kapag ako na ang hahawak sa company hindi maiwasang hindi sasakit ang ulo ko. At ayaw kong isugal ang kalusugan ko lalo na ngayong bubuo na kami ng pamilya ni Glaiza.

"Lab, napag usapan na natin yan diba? At alam na nila Mommy ang sagot ko tungkol diyan." Sagot ko.

Hindi naman siya sumagot at nagpatuloy nalang siya sa pagsusulat ng kanta.

Dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Ang kasal namin ni Glaiza. Kompleto lahat ng mga mahal ko sa buhay, mga pinsan at mga kapatid ng parents ko. Sa unang pagkakataon nabuo muli ang pamilya ko. Kung gaano karami ang pamilya ko ay baliktad naman ang pamilya ni Glaiza, nandito ngayon ang tatlo niyang kapatid at sa unang pagkakataon ay nakita at nakilala ko sila sa personal at syempre nandito rin si Kylie at ang asawa niya.

Masaya kaming lahat habang naghahanda ako sa sarili ko. Si Glaiza naman ay nasa ibang hotel tumuloy kasama ang kapamilya niya.

"Rhian anak, I'm so happy for you." Bati sa akin ni Mommy.

"Thanks Mom." Sagot ko habang niyakap ko siya.

Si Daddy naman ang lumapit sa akin.

"Parang kailan lang, baby pa kita pero heto kana ngayon ikakasal na. Masaya ako para sayo anak." Sabi ni Dad habang nagpipigil na maging emosyonal.

"Salamat Dad, salamat at tanggap mo ang buhay na pinili ko." Sagot ko.

"Anak kita kaya kaligayahan mo ang uunahin ko." Sabi niya at niyakap niya kami ni Mommy.

Pagkatapos ng madrama naming eksena ay oras na para magpunta kami sa simbahan dahil sabi ni Bianca ay nandun na daw si Glaiza at ayokong pinaghihintay ang magiging asawa ko.

Ilang sandali pa ay dumating na kami sa simbahan, habang inalalayan ako ni Daddy pababa ay naramdaman kong nagpipigil lang siya ng iyak, ganun din si Mommy.

"Mom, Dad. Hindi naman po ako mawawala sa inyo. Ikakasal lang ako." Sabi ko sa mahina na tono.

"Tears of joy lang ito baby." Sagot ni Mommy.

"Relax, ayaw kong pumangit sa harapan ni Glaiza Mom baka aatras siya sa kasal namin." Pagbibiro ko.

Hindi naman nila naiwasan ang tumawa. Kaya naman nakangiti kami habang naglalakad kami sa aisle at dinadama ko talaga ang bawat hakbang na ginawa namin. Sa bawat hakbang na nagawa ko ay iniisip ko ang mga masasayang memories namin ni Glaiza, kung paano kami nagsimula hanggang sa mga sandaling ito.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now