V

2.8K 130 15
                                    

VvV...

Nagising ako isang umaga na wala si Rainey sa tabi ko, kaya bumangon ako. Si Rainey ang bago kong laruan ngayon at dahil pareho kaming lasing kagabi ay minabuti kong sa condo ako umuwi. Sinadya ko talagang bilhin ang unit na katabi ng unit ni Glaiza nang malaman kong hindi pala niya ito ipinagbili. Gabi gabi akong dumaan dito bakasakaling madatnan ko siya.

Dalawang buwan na ang nakalipas at nakasanayan ko ng dumaan muna dito bago ako umuwi sa bahay. At kagabi ay naisipan kong dito nalang kami matulog.

Hinanap ko si Rainey sa kitchen pero wala siya doon hanggang sa narinig ko ang boses niya na tila may kausap ito. Sinilip ko siya sa may balcony at tiningnan ko kung sino ang kausap niya.

Hindi ako makapaniwala dahil sa loob ng tatlong buwan, sa wakas ay nasilayan ko na ang napakganda niyang mukha. Kahit nakapikit siya ay litaw na litaw pa din ang kagandahan niya. Kinakausap siya ni Rainey pero tila hindi siya interesdo dito dahil napansin kong may suot itong headset.

Dali dali akong nagbihis at lumabas sa unit ko, kakatok na sa ako sa pintuan niya ng mapansin kong hindi ito nakalock. Pinuntahan ko siya sa kitchen ng marinig ko na tila may nagluluto.

Nang magtagpo ang aming paningin ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng galit sa kanya dahil sa ginawa niyang pag iwan sa akin.

"Rhian?" Tanong niya.

Pero nanatili akong nakatitig sa kanya. Gustong gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko na gawin iyon dahil ayokong magmukhang tanga sa harapan niya.

"Ba..bakit ka nakapasok?" Tanong niya ulit.

"Ganyan ka ba bumati ng kaibigan?" Casual kong sagot.

Hindi siya umimik.

"Kailan ka pa dumating?" Tanong ko.

"Last night." Tipid niyang sagot.

Inikot ko ang paningin ko para makita ko kung may kasama ba siya at tila nababasa niya ang iniisip ko.

"Kasama ko si Solen." Dagdag niya.

Pagkarinig ko sa pangalan ni Solen ay agad akong nakaramdam ng galit at inggit. Galit ako kasi hanggang ngayon pala ay sila pa ni Glaiza at inggit ako dahil mukhang masaya si Glaiza sa piling niya.

"I think I need to go." Sabi ko.

Tumango lang siya. Tumalikod muna ako at naghintay na pigilan niya ako pero hindi niya ginawa. Kaya naman mabilis akong lumabas sa unit niya.

Gustong gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko ito. Ayokong makita niya na mahina ako. Pumasok ako sa loob ng unit ko at dumiretso ako sa kuarto. Pagka upo ko sa kama ay hindi ko na talaga napigilang hindi lumuha. Nadatnan ako ni Rainey na umiiyak.

"Hey babe, what's wrong?" Tanong niya.

"Wala naman. Please leave me alone." Sabi ko sa kanya.

Nalito man ay agad naman siyang sumunod sa gusto ko, at iniwan niya ako sa kuwarto. Pagkalabas niya ay bumuhos lahat ng sakit at panghihinayang na nadarama ko ngayon. Kung sana nabasa ko lang ang liham na yon. Siguro masaya na kami ngayon ni Glaiza. Sabi ko sa sarili ko.

Hindi ako naniniwala sa salitang pagmamahal pero simula noong nawala si Glaiza sa buhay ko ay unti unti ko iyong naintindihan. Pilit ko palang winawaksi ang nararamdaman ko sa kanya dati akala ko simpleng paghang lang iyon pero napatunayan kong minahal ko na pala siya mula noon. Hindi ako masasaktan ng ganito kong hindi ko siya minahal.

Hapon na ng maisipan kong umuwi sa bahay. Naglakad ako sa hallway ng nakita kong papalabas din si Glaiza. Papasok sana ako pabalik sa loob pero huli na ang lahat dahil nakita na niya ako. Mabuti nalang at nakasuot ako ngayon ng  shades kaya hindi niya mahalata na namumugto ang mga mata ko.

Hinintay niyang marating ko ang tinatayuan niya.

"Hi, aalis ka?" Tanong niya.

"Uuwi ako sa bahay." Sagot ko.

"Ah ganun ba, sabay na tayo sa baba." Sabi niya sa akin.

Tumango lang ako. Napakacasual ni Glaiza ngayon sa akin. Yun bang parang kaibigan lang ang nakaraan namin. Nasasaktan ulit ako pero hindi ko ito pinapahalata sa kanya.

"Si Solen pala nasaan?" Tanong ko.

"Ah, nandun sa mga kaibigan niya." Sagot niya.

"Bakit dika sumama?" Tanong ko.

"Lakad naman niya yon eh, isa pa may importante din akong lalakarin ngayon." Sagot niya.

"Kumusta ka na pala?" Tanong naman niya.

"Mabuti lang naman ako." Sagot ko.

"Yung boyfriend mo nasaan na?" Tanong niya ulit.

"Umuwi na kaninang umaga pa." Sagot ko.

"Ganun ba, siya na ba?" Tanong niya ulit.

Natawa ako dahil hindi ko alam kong alam na ba niya ang pagkatao ko o sadyang nakalimutan niya lang.

"Hindi pa, hindi kami magkasundo sa maraming bagay." Sagot ko.

"Mahirap kapag ganyan, dapat talaga magkasundo kayo para naman magiging maayos ang relasyon niyo." Sabi niya.

"Kayo ni Solen kumusta na?" Tanong ko naman.

Napangiti muna siya bago siya sumagot.

"We're good and mas kinilala pa namin ang isa't isa ngayon." Sagot niya.

Parang hiniwa ang puso ko ng marinig ko ang sagot niya. Masaya na pala sila ngayon ni Solen, samantalang ako heto umaasa pa din sa kanya.

Dumating na kami sa pinaparadahan ng kotse namin, kaya nagpalaam kami sa isa't isa. Una siyang umalis sa akin. Mabigat man sa loob ko ay kakayanin ko ito. Gusto ko mang ipaalam sa kanya na huli ko nang nabasa ang liham niya pero nagdadalawang isip ako dahil ayokong ako ang dahilan kung bakit magkasira sila ni Solen.

Kitang kita ko na masaya na si Glaiza ngayon kaya dapat maging masaya na din ako para sa kanya. Siguro nga pinagtagpo kami noon para bigyan ng leksyon ang bawat isa hindi para mahalin namin ang isa't isa.

Ramdam ko dati na mahal ako ni Glaiza pero maaring ang pagmamahal na iyon ay nawala na dahil kay Solen. Si Sos naman kasi talaga ang unang nagmamay ari sa kanya. Samantalang ako isang pagpapanggap lang ang tungkol sa amin. Pagpapanggap na naging totohanan para sa akin.

Tama nga ang sinabi ni Glaiza sa akin noon. Bawal ang ma in love pero huli na ang lahat. Huli na nang malaman kong in love na pala ako sa kanya at ngayong  bumalik na siya nakita kong masaya siya kahit wala ako. Para sa akin yon ang mahalaga ang makita kong masaya siya kahit na ang kapalit nito ay ang kabiguan ko.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now