Z

2.8K 142 21
                                    

ZzZ...

Matapos sabihin sa akin ni Glaiza ang tungkol sa kanila ni Klea ay gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kong bakit ako natatamaan sa kanya ng ganito. Pagdating sa kanya naging selfish ako at paraniod yung tipong takot akong maagaw siya sa akin ng iba. Siguro kaya ako nagkaganito dahil sa mga pinag gagawa ko noon.

Nasa gitna ako ng aking pag iisip ng biglang may kumatok sa pintuan ng condo ko. Tumayo ako para pagbuksan ito, baka si Glaiza ang kumatok. Pero laking gulat ko ng makita kong si Rainey ang nasa harapan ko.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.

"Can I come in." Sabi niya.

Nagdadalawang isip ako dahil baka pag pinapasok ko siya ay biglang dumating si Glaiza at kung ano pa ang isipin nun.

"Rainey, sorry but hindi ka pweding pumasok." Sagot ko.

"Why not? I'm your boyfriend." Sabi niya.

"Boyfriend? Alam naman natin pareho kung ano ang totoong relasyon natin noon diba? So please huwag mong ipagsisikan na boyfriend kita." Sagot ko.

Biglang nag iba ang hitsura ng mukha niya at naramdaman kong nasa panganib ako.

"Anong sabi mo? Pagkatapos ng lahat ng ginagawa ko para sayo, ganun ganun na lang yon?" Galit niyang sabi.

"Please leave me alone." Paki usap ko.

Pero sa halip na umalis siya ay bigla niyang tinulak ang pinto na siyang dahilan ng pagkawala ko ng balanse at natumba ako. Nakangiti siyang lumapit sa akin habang umaatras ako palayo sa kanya. Pero mabilis niya akong dinaganan at ngayon ay nasa ibabaw na siya sa akin.

Akma na sana niya akong hahalikan pero agad kong iniwas sa kanya ang mukha ko na siyang dahilan ng labis niyang galit sa akin. Sinampal niya ako ng napakalakas.

"Rain, please huwag mong gawin sa akin to." Pakiusap ko sa kanya.

Ngumiti siya na para bang sinasabi niya sa akin na kahit magmakaawa pa ako sa kanya ay wala na akong magagawa pa.

Umiiyak ako dahil alam kong hindi ko na siya mapipigilan pa. Hinalikan niya ang leeg ko na tila ba sabik na sabik siya nito. Pagkatapos ay bumaba ang mga labi niya at pilit niyang sinira ang damit ko na siyang dahilan ng malakas kong pag iyak. Pakiramdam ko ngayon binababoy niya ako, sobrang lakas niya kaya hindi ko siya nagawang pigilan.

Pupunitin na sana niya ang suot kong short nang bigla nalang siyang natumba at nawalan ng malay.

Nakita ko si Glaiza na nakatayo sa paanan ko at may dalang bote na ginamit niyang ipokpuk sa ulo ni Rain at dali dali niya akong niyakap ng makita niya na umiiyak ako.

"Lab," sambit niya habang niyayakap ako.

Hindi ako nakasagot dahil sa sobra akong humagulhol sa pag iyak. Salamat nalang at dumating si Glaiza dahil kong hindi ay baka ano na ang ginawa sa akin ni Rain ngayon.

Ilang sandali pa ay may pulis na na dumating at agad na hinuli si Rain. Samantalang hinubad ni Glaiza ang suot niyang jacket at ipinasuot niya ito sa akin bago niya hinarap ang mga pulis.

"Sir, gusto kong mabulok sa bilangguan ang rapist na yan." Sabi niya.

Pero ngumiti lang si Rain na tila ba gusto niyang asarin si Glaiza.

"Hindi ako rapist dahil hindi ko siya ni rape. She's totally enjoying it." Sabi ni Rain.

Sinuntok siya ni Glaiza at tumama ito sa mga labi niya na siyang dahilan ng pagdurugo nito. Akmang susuntukin din sana siya ni Rain pero agad itong na awat ng officer.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin