J10

2.8K 97 4
                                    

J10...

"Merry Christmas lab." Bati ko kay Rhian.

"Merry Christmas din lab." Bati din niya sa akin.

Unang pasko ngayon na hindi ko kasama si Kylie. Pero masaya naman ako kasi kasama ko naman ngayon ang babaeng bumihag sa puso ko.

"Lab, I love you." Sabi ni Rhian habang niyakap niya ako.

"I love you too lab." Sagot ko habang hinalikan ko siya sa labi.

Nandito kami ngayon sa bahay nila dahil gusto ng parents niya na dito kami magcelebrate ng pasko. Kinakabahan man ako pero pilit ko itong nilalabanan. Mabuti nalang at maayos ang pakikitungo sa akin ng mga magulang niya, at masaya ako dahil tanggap na tanggap na nila ang relasyon namin ni Rhian.

"Lab, may ipinabigay sayong regalo sina Mommy at Daddy." Sabi ni Rhian sabay abot sa akin ng box.

"Naku lab, nakakahiya naman." Sabi ko.

"Huwag ka ng mahiya kasi nagustuhan talaga ni Mommy yung plants na niregalo mo sa kanya." Sabi niya.

"Maliit na bagay lang naman yun lab." Sabi ko.

"Sige na tanggapin mo na to lab." Sabi niya sabay abot sa box.

Tinanggap ko ang box at binuksan ko ito. Nakita kong isa itong susi ng sasakyan.

"Lab, labis labis naman yata ang regalo na to." Sabi ko na medyo nahihiya.

"Sige na Glai, tanggapin mo na. Pasalamat din namin yan sayo dahil sa pag aalaga mo sa anak namin." Sabi ng Mommy ni Rhian na nasa likuran na pala namin ngayon.

"Merry Christmas po tita." Bati ko sa kanya sabay halik sa pisngi.

"Merry Christmas din sayo hija." Bati din niya sa akin habang nakangiti.

Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko sa mga oras na 'to. Nanginginig ang mga tuhod ko kasi nenenyerbyos ako.

"Lab, okay ka lang? Pansin ko kasi parang namumutla ka eh." Pag alalang tanong ni Rhian sa akin.

"Okay lang ako lab, medyo nahihiya lang talaga ako sa Mommy mo." Mahina kong sabi sa kanya.

Bigla namang nagsalita ang kanyang ina.

"Glaiza pwedi ba akong humingi ng pabor sayo?" Tanong niya.

"A..ano po yon tita?" Sagot ko.

"Malapit na kasi ang birthday ng tito mo, gusto ko sanang kantahan mo siya sa paborito niyang kanta. Kung okay lang sayo." Sabi niya.

Hindi agad ako nakasagot dahil kinakabahan ako.

"Isang malaking karangalan po para sa akin yan tita. Kailan po ba ang birthday ni tito?" Tanong ko.

"Sa araw mismo ng mga puso." Nakangiti niyang sagot.

"Sige po, inform niyo lang po ako kung ano po yung kakantahin ko sa araw na yon." Sagot ko.

"Okay, salamat hija." Sabi niya habang nakangiti.

"Salamat din po." Sagot ko.

At nagpaalam na si tita at pumunta siya sa kuwarto nila ni tito. Habang abot tenga naman ang ngiti ni Rhian na nakatingin sa akin.

"Mukhang ang saya yata ng lablab ko ngayon ah." Paglalambing ko sa kanya.

"Hindi kasi ako makapaniwala lab na ganito pala kasaya ang pasko ko ngayon. Dati nag iisa lang ako eh. Pero ngayon kasama ko na mga magulang ko, kasama ko pa yung taong mahal na mahal ko." Sabi niya.

"Masaya din naman ako lab, kasi okay na tayo at okay na din kayo ng parents mo. Yan lang naman ang mahalaga sa akin eh." Sagot ko.

"Hindi kami magiging okay ng parents ko lab kung hindi dahil sayo. Kaya ikaw talaga ang superhero ko. Kaya naman mahal na mahal na mahal kita." Sabi niya habang pinapaliguan ako ng halik.

Walang tamang salita ang makakapagsabi sa nararamdaman ko ngayon. Wala man akong pamilya pero nakakita naman ako ng pamilya sa pamilya ni Rhian. Magkaiba man ang estado ng aming pamumuhay pero hindi yon nagiging hadlang sa aming pagmamahalan. Para kaming langit at lupa. Diko siya kayang abutin pero siya na mismo ang gumawa ng paraan para maabot ko siya. Noong una akala ko pakitang tao lang lahat ng pinakita ni Rhian sa akin pero habang tumatagal narealized ko na totoo pala lahat ng pinakita niya. Kung paano siya masaktan, at kung paano siya masaya. Lahat ng iyon ay walang halong pagpapanggap.

Perfect na lahat para sa aming dalawa at wala na akong mahihiling pa. Sa bawat araw na nagdaan hindi niya nakaligtaang ipadama sa akin na mahalaga ako sa kanya. Hindi siya nagsasawang sabihan ako ng I love you, at higit sa lahat hindi siya nagsasawang alagaan ako.

Lumipas ang panahon ay mas lalo kaming pinatatag dalawa. Walang pagsubok na hindi namin nakayanan hanggang sa isang gabi bigla nalang akong nanghina at sobrang sumasakit ang ulo ko, nagkataon pa na nasa bar si Rhian ngayon. Hindi ako sumama sa kanya dahil gusto ko siyang isurpresa sa kaarawan niya. Gumawa ako ng sarili kong kanta na para sa kanya. Ito ang kakantahin ko sa mismong birthday niya.

Sobrang sakit na ng ulo ko. Hindi ko na kaya. Kaya naman humiga ako para makapagpahinga. Tatawagan ko sana si Rhian pero ayoko naman maabala pa siya. Kaya naman kinalma ko muna ang sarili ko, iniwasan ko munang mag isip. Lately kasi stress ako masyado kaya siguro sumasakit ang ulo ko ngayon.

Inalala ko nalang ang mga ngiti ni Rhian, ang saya saya niya habang pinagmasdan niya ako na kinakantahan ko siya noong anibersaryo namin. Ang mga ngiting niya, para siyang anghel na bumaba sa mula sa langit. Ang bawat titig niya na nagpapahiwatig kong gaano niya ako kamahal. At ang mga halik niya. Ang mga labi niyang sobrang lambot, sa bawat dampi niya sa mga labi ko ay para akong isang teen ager na halos hihimatayin sa kilig. At higit sa lahat ang mga yakap niya. Naramdaman niyo na ba yong tipong kapag niyayakap ka ng taong mahal mo ay feel mo secured ka na, yung feel mo na lahat kaya mong gawin kasi alam mong nandiyan lang siya. Yung sa simpleng yakap niya ay naramdaman mong buong buo ang pagkatao mo. Mahal na mahal kita Rhia sabi ko sa sarili ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan na wala na pala akong malay.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz