F6

2.9K 127 19
                                    

F6...

Anim na buwan na ako dito sa Paris at anim na buwan din akong hindi nagpaparamdam kay Rhian. Si Solen naman ay ikakasal na sa kanyang 5 months Argentine boyfriend na si Nico. Sinong mag aakala na natagpuan na ni Sos ang kanyang other half samantalang ako, naghahanap pa rin ng pweding ipalit kay Rhian. Pero mukha wala akong mahanap na iba eh. Si Rhian pa din talaga ang tinitibok ng puso ko.

"Glai, mukhang malalim yata ang iniisip mo ah." Tanong sa akin ni Kylie habang iniharap niya sa akin ang kanyang laptop.

"Ano yan?" Tanong ko sabay silip sa binuksan niyang link.

Binasa ko ang nakasulat sa link at nalaman kong umalis pala si Rhian sa bansa para sundan ang kanyang minamahal. May kirot akong naramdaman dahil sa wakas nakatagpo na si Rhian ng bagong ipapalit sa akin.

"Good for her." Sabi ko kay Ky.

Tiningnan niya ako ng makahulugan.

"Sigurado kang hindi ka nasasaktan?" Tanong niya.

"Ky, masaya ako para sa kanya." Sagot ko.

"Mukha ngang masaya ka Glai, kita mo naman para kang binagsakan ng langit eh." Pang aasar niya.

"Iwanan mo na nalang ako pwedi? Hindi ka nakakatulong eh." Sabi ko sa kanya.

"Okay, mukhang bigla kasing nag init ang ulo mo eh." Sabi niya sabay lakad palayo sa akin.

Anim na buwan pa lang ang lumipas pero may minamahal na siyang iba. Ibang klase din talaga ang babaeng yon eh. Hay naku Glaiza umayos ka, huwag mo nang isipin yon. Move on din pag may time. Sabi ko sa sarili ko.

Nakipag skype ako kay Klea para naman may hindi ko maisip si Rhian. Mabuti nalang at nag online si Klea.

"Hi, kumusta kana diyan?" Bati niya sa akin.

"Heto malungkot, namiss kita eh." Sagot ko.

"Ako ba talaga ang namiss mo?" Sabi niya habang nakangiti.

"Oo naman namiss kita. Ano na palang balita sa inyo ni Ketchup?" Tanong ko.

Ngumiti siya na para bang kinikilig.

"Ayon, mas maarte pa siya kesa sa akin Glai. Hindi ko nga alam kong anong mangyayari sa relasyon naming ito eh." Sagot niya.

Napatawa naman ako. Sino ba kasing mag aakala ka tatamaan si Ketchup kay Klea at ganun din si Klea.

"Magwowork yan basta maging honest lang kayo sa isa't isa and importante ang trust." Sabi ko.

"Yon nga lagi niyang sinasabi Glai eh. Pero bahala na nga wala naman akong magagawa eh. Mahal ko talaga siya." Sagot niya.

"Maswerte kana kay Ketchup Klea, kasi may boyfriend kana, may bestfriend kapa." Sabi ko habang tumatawa.

"Ewan ko sayo, kaya ka lang pala tumawag dahil mang aasar ka eh." Sabi niya.

"Hindi naman. Kailangan ko lang talaga makakausap ngayon." Sagot ko.

"Maiba tayo Glai, nagkita naba kayo ni Rhian diyan?" Tanong niya.

Komunot ang noo ko.

"Bakit naman kami magkikita eh, wala naman siya dito." Sagot ko.

"Naku, hindi mo ba nabalitaan eh, susundan ka daw nun, yan yung narinig ko last time nagpunta ako sa bar." Sabi niya.

May konting galak akong naramdaman nang marinig ko ang sinasabi ni Klea sa akin ngayon.

"Totoo ba?" Tanong ko.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon