E

4.3K 172 24
                                    

EeE...

Nandito ako ngayon sa mini mart na pag aari ni Glaiza. Nag ipon muna ako ng sapat na loob para hindi ako papalpak mamaya. Inhale exhale yun ang paulit ulit kong ginawa hanggang sa naramdaman kong ready na ako. Lumabas ako sa loob ng kotse at naglakad ako papasok sa store.

Medyo kaunti pa lang ang taong namimili, tinignan ko ang wristwatch ko. Kaya pala wala pa masyadong tao maaga pa pala. Sabi ko sa sarili ko.

Nagkunwari akong may hinahanap na pagkain habang hinahanap din ng mga mata ko ang imahe ni Glaiza pero nakailang ikot na ako ay walang Glaiza na nandoon.

Kumuha nalang ako ng chips at water saka ako nagbayad sa counter. Sakto namang lumabas mula sa stock room ang babaeng kanina ko pa hinahanap.

Nagtagpo ang mga mata namin at aaminin ko may kakaiba akong naramdaman, yong tipong hindi ko alam kong nilalamig ba ako o naiinitan.

"Ma'am, 65 po lahat." Sabi ng cashier.

"Oh, sorry." Sabi ko. "Here" sabay abot ko sa kanya ng pera.

Habang nagbibilang ng panukli ang cashier ay tumingin ulit ako kay Glaiza at nagtanong.

"You look familiar, tumutugtog ka ba?" Pagkukunwari kong tanong.

Kitang kita ko kung paano nag iba ang hitsura niya. Kung kanina ay nakangiti siya ngayon pagkalito naman ang nakikita ko sa mukha niya.

"Ah, yeah. Akala ko natandaan mo ako." Sagot niya.

"Familiar lang ang mukha mo sa akin." Sagot ko.

Tumango lang siya. Tatalikod na sana ako at pupunta sa bakanteng upuan ng bigla siyang nagsalita.

"Rhian right?" Sabi niya.

Nabigla ako. Paano niya nalaman ang pangalan ko. Kaya nilingon ko siya.

"Yeah, paano mo nalaman ang name ko?" Tanong ko sa kanya.

"We met before remember?" Sabi niya.

Saka lang nag sink in sa utak ko ang sinasabi niya kagabi na idedicate niya ang kantang iyon to someone she met before. Ako ba ang tinutukoy niya? Taka kong tanong sa sarili ko.

"Hindi mo ba ako natatandaan?" Pagtatanong niya.

Umiling ako.

"Hmmm, pwedi ba tayong umupo?" Tanong ko.

"Sure." Sabi niya and she lead me the way.

Magkaharap kami ni Glaiza ngayon at aaminin ko mas maganda siya sa malapitan. Those big black eyes of her na para akong malulunod kapag tinititigan ko ito.

"Hey, may dumi ba ako sa mukha?" Sabi niya.

Nagbalik ako sa katinuan ko ng tanungin niya ako. Ano ka ba Rhian, act normally para kang tanga diyan. Pagsaway ko sa sarili ko.

"Sorry, iniisip ko lang kasi kung nakita naba kita dati." Palusot ko.

"Natandaan mo na ako?" Tanong niya.

"Hindi talaga eh." Sagot ko.

"Ah, ayos lang yon. Medyo matagal nadin naman na panahon yon eh kaya siguro di mo na ako matandaan." Paliwanag niya.

Hindi ako sumagot kasi alam ko sa sarili ko na unang pagkikita palang namin yung nasa bar ako. Posible kayang si Uno ang tinutukoy niya.

"Rhian bakit ka nga pala nandito?" Bigla niyang tanong.

"Wow ha, hindi naman ikaw ang pinunta ko dito." Pagsisinungaling ko.

Hindi ko akalaing straight forward na klaseng tao pala itong si Glaiza. Medyo napahiya ako ng konti ah. Sabi ko sa isipan ko habang tinititigan ko siya.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now