O

3.1K 137 21
                                    

OoO...

Ngayon na ang araw kung saan makikilala ko na ang mga magulang ni Rhian at ibig sabihin din nun ay makikita kong muli si Solen. Inihanda ko ang sarili ko dahil gusto kong hindi kami papalpak ngayon. Sa ganitong paraan ko lang siya matutulungan kaya naman gagawin ko lahat para maging makatotohanan ang pagpapanggap na ito.

Sinundo niya ako sa apartment na tinitirhan ko. At papunta na kami ngayon sa sementeryo. Habang nasa daan kami ay diko maiwasang kabahan at nahalata pala iyon ni Rhian.

"Nervous?" Tanong niya.

"Konti." Sagot ko.

"Don't be, asahan mong kahit anong mangyari ay kakampi mo ako." Sagot niya ng nakangiti.

Ibang Rhian ang kaharap ko ngayon yung tipong palaban at walang kinatatakutan. Nagring ang cellphone niya pero tinitignan niya lang kung sino ang tumawag and she cancel the call.

"Bakit mo pinatay?" Tanong ko.

"Di naman importanteng tao yung tumatawag eh." Sagot niya. Pero may nakikita akong poot sa mga mata niya.

Narating na namin ang libingan ni Uno. Agad na bumaba si Rhian at binuksan niya ang pintuan ng kotse kung saan ako naka upo.

Bumulong siya sa akin.

"Huwag kang kabahan isipin mo nalang mga unggoy sila." Sabi niya.

Natawa ako bigla. May tinatago palang kapilyahan itong babaeng to. Sabi ko sa sarili ko. Hawak kamay kaming naglakad papunta sa puntod ni Uno. Kitang kita ko na sa amin nakatutok ang atensyon ng mga taong naroroon.

"What? Ngayon lang ba kayo nakakita ng dalawang babaeng magkaholding hands?" Biglang sabi ni Rhian.

"Umayos ka Rhian Denise!" Sabi ng may katandaan ng lalaki na sa palagay ko ay ama niya.

Hindi kumibo si Rhian, sa halip ay dinikit pa niya sa akin ang katawan niya at nakangiti siya na para bang inaasar niya ang mga tao doon.

Nakita ko naman si Solen na hindi maipinta ang mukha pero kataka taka yatang malayo sila sa isa't isa ngayon ni David.

Nagsimula na ang pag aalay ng dasal para kay Uno. Habang taimtim na nagdarasal ang lahat at bumulong naman sa akin si Rhian.

"Alam kong hindi matutuwa si Uno dahil nandito ulit ang mga ahas." Bulong niya.

Seninyasan ko siya na tumahimik muna siya at makinig muna kami sa sinasabi ng pari. Kaya naman nagseryoso yung mukha niya.

Pagkatapos ng pag aalay ng dasal ay umalis na ang pari at ang mga kasamahan nito. Naiwan kami ni Rhian at pamilya niya kasama si Solen at David sa sementeryo.

Nang biglang nagsalita ang Daddy niya.

"I expect you na si Bianca ang dadalhin mo ngayon." Sabi ng ama niya.

"Busy si Bianca." Simpleng sagot niya.

Tumango lang ang Daddy niya habang lumapit naman sa kanya ang Mommy niya. Niyakap siya nito, pero itinulak niya ito ng dahan dahan.

Nabigla ang Mommy niya pero agad naman itong nakabawi.

"Baby, may pasalubong ako sayo." Nakangiting sabi ng Mom niya.

"Hindi na ako bata Mom para dalhan mo pa ng pasalubong." Malamig na sagot ni Rhian.

Naawa ako sa Mommy niya kaya naman nagsalita ako.

"Love, huwag mong pagsalitaan ang Mommy mo ng ganyan." Sabi ko sa kanya sabay haplos ng kamay niya.

Nakangiti ang ina niya sa akin at nginitian ko din ito.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon