J

3.3K 124 13
                                    

JjJ...

Matapos ang mainit naming pagharap ni Rhian kahapon ay napag isip-isip ko na kailangan ko nang ibahin ang diskarte ko. Hindi pala basta basta ang kalaban ko ngayon. Sabi ko sa sarili ko, kahit na mahal ko na si Rhian pero hindi pweding pagbibigyan ko siya sa gusto niya. Kailangang kalimutan ko muna ang nararamdaman ko sa kanya ngayon.

Tinawagan ko siya para simulan ko na ang unang misyon ko para sa kanya, ang mahulog ang loob niya sa akin.

Ilang ring pa at sinagot na niya ito.

"Hello Glai." Sagot niya na medyo mahina ang boses.

"Rhi, okay ka lang ba?" Pag alala kong tanong.

"Glai, medyo masama kasi ang pakiramdam ko eh." Sagot niya.

Yung misyong iniisip ko kanina ay biglang nawala pagkarinig ko sa boses ni Rhian na medyo matamlay. Biglang nanlambot ang puso ko para sa kanya.

"Nasaan ka ba ngayon, pupuntahan kita." Sabi ko sa kanya.

"Nasa bahay lang ako ngayon Glai." Sagot niya.

"May kasama ka ba diyan? Sabihin mo sa akin ang address mo dahil pupuntahan kita." Paki usap ko sa kanya.

Sinabi niya ang address niya at dali dali akong nagbihis para puntahan siya. Wala akong iniisip ngayon kundi ang alagaan si Rhian. Nag alala ako para sa kanya. Pagdating ko sa condo niya ay dali dali akong umakyat papunta sa floor na kinaroroonan ng unit niya.

Nagdoorbell ako at ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at bumungad sa akin ang isang matamlay na Rhian. Naawa ako sa pagkakita ko sa kanya ngayon kaya hindi ko napigilang yakapin siya.

"Rhi, okay ka lang ba?" Pag alala kong tanong.

Tumango lang siya.

Nilagay ko ang palad ko sa noo niya.

"Rhi, ang taas ng lagnat mo." Sabi ko.

"Glai, gusto kong magpahinga." Mahina niyang sabi.

Inalalayan ko siya patungo sa kuwarto niya at pinahiga ko siya. Kumuha ako ng towel at binasa ko ito at pinunasan ko siya.

"Rhi, hubadin ko muna tong damit mo ha? Punasan kita." Sabi ko.

Tumango lang siya.

Unti unti kong hinubad ang damit niya at pinunasan ko ang bandang dibdib niya. Saka ko lang napansin ang tattoo niya. "Uno" yun ang nakalagay. Pero hindi ko muna iisipin yan ngayon. Nilagyan ko ng kumot ang katawan niya bago ako naghanap ng damit niya sa closet.

Pagkatapos kung piliin ang damit na gusto kong ipasuot sa kanya ay bumalik ako sa higaan at sinuotan ko siya ng damit isang oversize tshirt ang pinasuot ko tsaka ko tinanggal ang pantalon niya pati na din ang underwear niya. Kinuha ko ulit ang towel at binasa ko ito tapos pinunasan ko siya sa bandang legs. Napalunok ako. Ang puti puti niya. Nag init ang buo kong katawan gusto ko siyang tikman pero naisip kong hindi pala ngayon ang oras ng kalibogan ko.

Magkaroon ka naman ng konting respeto sa sarili mo Glaiza. Sabi ko sa sarili ko. Hindi ka baboy kaya huwag mo siyang baboyin. Paalala ko.

Pagkatapos ko siyang punasan at bihisan ay nagtungo ako sa kitchen niya para igawa siya ng soup. Habang inihanda ko ang mga ingredients ay naalala ko ang mga nakikita ko sa bar. Ibang iba ang Rhian na kaharap ko ngayon kaysa sa nakikita ko. Napailing ako. Ano bang motibo mo Rhian bakit bigla ka nalang naging bahagi sa buhay ko. Iniisip ko kung anong maari niyang pweding rason para siya magkaganyan sa akin pero wala akong matandaan na nasaktan ko siya o napabilang siya sa mga pinaglaruan ko noon.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now