F

4K 151 15
                                    

FfF...

Nakalipas ang ilang araw simula noong huling pagkikita namin ni Rhian, pero hanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang lambot ng labi niya. Sa dinami dami ko ng labi na nahalikan tanging labi lang ni Rhian ang hindi ko makalimutan.

Sa bawat ngiti at titig niya sa akin para akong nahuhulog sa patibong niya. Sa kanya lang ako naging mahina at sa kanya lang hindi umubra ang kamandag ko sa halip ay ako pa ang tinamaan sa kamandag niya.

Ibang klase ka Rhian. Ikaw pa lang ang babaeng nagparamdam sa akin ng ganito. Ano bang meron sayo at parang kinokontrol mo ako kapag magkaharap tayo.

"Glai, mukhang malalim yata ang iniisip mo ah." Sabi sa akin ni Pat.

Nandito kasi ako ngayon sa condo ni Pat. Alam kong magtatanong kayo kung sino si Pat. Si Pat ay isa sa mga babae ko. Kagaya ni Klea wala din kaming label dahil ang sabi ko hindi naman kailangan ng label para ipadama ko sa kanya na mahal ko siya which is a lie.

Hindi ako nagmahal ng iba maliban kay Solen. Kaya naman kapag malaman nila na ginagamit ko lang sila, sigurado akong ililibing nila ako ng buhay.

"Glai, nakikinig ka ba?" Tanong niya ulit.

"Sorry babe, may iniisip lang ako." Sagot ko.

"Anyway babe, hindi ka ba nagsasawa sa ganitong set up natin?" Tanong niya ulit habang isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

Alam kong ano ang ibig sabihin ni Pat. Gusto niyang maging official kaming dalawa.

"Babe, pinag usapan na natin yan diba?" Sagot ko sa kanya.

"Babe, gusto ko lang naman kasing makasiguro na ako lang ang mahal mo." Paglalambing niya.

"Hindi ka ba sigurado sa akin babe?" Sagot ko na medyo malungkot ang boses.

"Look babe, hindi naman sa hindi ako sigurado sayo eh, sa akin lang naman eh hindi ko pa nakilala ang mga kaibigan at kapamilya mo." Paliwanag niya.

"Babe, diba sabi ko sayo? Hindi nila alam na lesbian ako. Kaya hindi kita kayang ipakilala sa kanila." Pagsisinungaling ko.

"Hanggang kailan ka ba magtatago sa pagiging lesbian mo babe?" Tanong niya ulit.

"Kapag ready na ako babe, kapag may sapat na akong lakas ng loob para ipaalam sa kanilang lahat ang tunay na pagkatao ko." Paliwanag ko.

Hindi na siya sumagot dahil alam niyang hindi siya mananalo sa akin. Ganito lang kami ni Pat, kapag wala na akong ibang mapuntahan ay sa kanya ako babagsak. Mabait si Pat at mapagmahal kaya nga kung minsan nakokonsensya na ako eh, pero wala na akong magagawa dahil hindi ko na alam kung paano ako lalabas sa pinasukan kong ito.

Dumating na ang gabi at nagpaalam na ako kay Pat.

"Babe, alis na ako ha? Baka kasi hinahanap na ako sa amin eh." Pagpaalam ko sa kanya.

"Okay babe, kelan mo ulit ako dadalawin dito?" Tanong niya.

"Kapag nakahanap ulit ako ng tyempo babe." Pagsisinungaling ko.

Hinalikan niya ako sa labi at inihatid niya ako sa may pinto.

Naglakad ako papunta sa pinaparadahan ng kotse ko nang may nakita akong isang pamilyar na tao. Pinagmasdan ko sa malayo ang babae at hindi nga ako nagkakamali si Rhian nga ito. May kasama siyang babae na tila umiiyak. Hindi ko man marinig ang pinag uusapan nila pero naintindihan ko sa mga kilos nila na para silang nagtatalo. Tumalikod si Rhian at naglakad palayo sa babae pero hinahabol ito ng babae at niyakap niya ito habang nakatalikod si Rhian.

May kirot akong naramdaman sa mga sandaling nakita ko si Rhian habang niyayakap ng iba. Gusto kong sugurin ang babaeng yumakap sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko na kayang makita silang dalawa kaya naman dali dali akong pumasok sa loob ng kotse ko at pinaharurut ko ito.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ