P

3K 141 11
                                    

PpP...

Lumipas ang ilang linggo simula noong nagkasama kami ni Rhian pero hanggang ngayon ay hindi ko parin siya makontak. Kinakabahan ako para sa kanya. Naramdaman kong may masamang nangyari kay Rhian. Kaya naman wala akong ibang naisip kundi ang makipaglaro kay Solen dahil alam kong may nalalaman siya tungkol kalagayan ni Rhian ngayon.

Nandito ako sa bar kung saan naglalagi si Solen.  Busy si Kathleen kaya hindi ko nalang siya inabala pa. Nakailang shot na ako ng vodka nang may biglang umupo sa tabi ko.

"Bakit naglalasing ka?" Tanong ni Sos.

Nakangiti ako sa kanya. Ngayon ko na sisimulan ang laro ko.

"Wala lang, may iniisip lang akong tao." Sagot ko habang tinititigan ko siya.

Ngumiti siya na para bang alam niyang siyang tinutukoy ko.

"Namiss din kita Glai." Sagot niya sabay halik sa akin sa labi.

Hinayaan ko siyang angkinin ang labi ko sa ngayon at pinaniwala ko siyang siya nga ang iniisip ko.

"Sos, kumusta ka na?" Tanong ko.

Tumitig siya sa akin.

"Hiwalay na kami ni David." Sagot niya.

"Sinong David? Yung pinsan mo. Ngayon ko lang nalaman na pwedi palang magbreak ang magpinsan." Sarcastic kong sagot.

Medyo namula ang mukha niya. Diko alam kong namula ba ito sa hiya o sa galit.

"Glai, alam kong hindi ka naniniwala na pinsan ko siya." Sabi niya.

"Ikaw kumusta na pala kayo ni Rhian?" Dagdag niyang tanong.

"Ilang linggo na siyang hindi nagpaparamdam sa akin eh. So it means wala na kami. Alam mo naman ako. Ikaw lang ang babaeng hinahabol habol ko." Pagsisinungaling ko sa kanya.

Alam na alam ko ang kahinaan ni Solen kaya ito yung gagamitin ko laban sa kanya. Ngumiti siya sa akin sabay sabing.

"Siguro hindi na pweding takasan ni Rhian ang lalaking gusto ng Daddy niya para sa kanya. Kaya hindi na siya nagparamdam sayo." Kwento niya.

Gusto ko mang alamin lahat ng nangyari kay Rhian ngayon pero pinipigilan ko ang sarili ko na magtanong. Ayokong mahalata ni Solen na may hidden agenda ako sa kanya.

Sinabayan ko siya sa lahat ng trip niya. Kukunin ko muna ang loob niya bago ko sisimulan ang lahat. Kailangan ko munang magplano kung paano ko mailigtas si Rhian kung sakaling totoo man ang sinasabi ni Solen.

Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Ky.

"Glai, gising na. Punta pa tayo sa probinsya." Sabi niya sa akin.

Ngayon pala ang death anniversary ng mga magulang ko. Bumangon ako at dumeretso ako sa banyo habang naririnig kong nagluto si Kylie ng bacon.

Pagkatapos naming mag almusal ay umalis na kami ni Kylie gamit ang sasakyan ko.

Pagdating namin sa puntod ng mga magulang ko ay napansin kong may bagong mga bulaklak ito.

"Glai, sino kaya ang naunang dumalaw dito?" Tanong ni Ky.

"Siguro mga kaibigan nila Mama at Papa Ky." Sagot ko.

Pero may narinig akong isang pamilyar na boses.

"Ako yung nagdala niyan Glai." Sabi ni Solen.

Lumapit siya sa amin at nakipag beso siya kay Ky tapos hinalikan niya ako sa pisngi.

"Naalala mo pa pala ang death anniversary nila Mama." Sabi ko.

"Hindi ko naman nakalimutan yon eh." Sagot niya.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now