M

3.2K 132 12
                                    

MmM...

"Glai, bakit hindi maipinta yang mukha mo?" Tanong sa akin ni Kylie.

Nandito na kami ngayon sa apartment namin.

"Ky nagkita kami ni Solen." Sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya. Umupo siya sa
harap ko at parang interesado siyang malaman ang nangyari.

"Tapos anong nangyari?" Tanong niya.

"Walang ngyari Ky, may natuklasan lang ako sa kanya." Sabi ko.

"Anong natuklasan mo?" Tanong niya.

"Natuklasan kong wala pala kaming pinag kaiba." Sagot ko.

"Teka nga Glai, naguguluhan ako eh." Sabi niya.

"Magulo pa talaga sa ngayon Ky. Huwag kang mag alala, kapag napatunayan kong may kinalaman siya sa pagkawala ni Uno ay pagsisihan niyang nagkrus ulit ang landas namin." Sabi ko habang kinikimkim ko ang galit ko.

"Glai, seryoso ba yan? Ngayon ko lang nakitang nagkaganyan ka ah." Pag alala niyang tanong.

Tiningnan ko lang siya sa mga mata.

"Aalis nga pala ako ngayon Ky, gusto ko lang libangin sarili ko." Paalam ko sa kanya.

"Okay sige, basta ipangako mo mag iingat ka ha?" Habilin niya.

"Pangako Ky. Mag ingat ka din dito." Sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

Lumabas ako ng bahay at pumunta ako sa pinaparadahan ng sasakyan ko. Pinaandar ko ito at pumunta ako sa lugar kung saan ako makakakuha ng impormasyon kay Solen.

Narating ko ang dating bar na tinutugtogan ko. Agad akong bumaba sa kotse at inilock ko ito. Naglakad ako papasok sa loob ng bar. Nang makita ng mga mata ko ang taong hinahanap ko ay agad ko siyang pinuntahan.

"Vodka martini please." Sabi ko.

Tumingin siya sa akin at nakangiti habang hinalikan ako sa pisngi.

"Glaiza!!, mabuti naman at napadpad ka dito." Sabi niya.

"Yes, Chyns." Sagot ko.

"Kumusta kana?" Tanong niya.

"Mabuti naman ako." Sagot ko.

"Ikaw? Kumusta kana? Nasaan pala si Kathleen?" Tanong ko.

"Ah, day off ni Kathleen ngayon Glai." Sagot niya.

"Ganun ba, di bale, ikaw naman talaga ang sadya ko dito eh." Sabi ko.

Tumaas ang kilay niya habang tinititigan ako.

"Let me guess, tungkol ba ito kay Solen?" Tanong niya.

"Tumango lang ako.

"Halika, doon tayo mag usap sa rehearsal room." Sabi niya.

Naglakad kami papasok ng rehearsal room at pagdating namin doon ay umupo ako at sumunod naman si Chynna.

"Okay shoot!!" Anong gusto mong malaman tungkol sa kanya?" Tanong niya.

"Lahat lahat." Sagot ko.

"Sigurado ka bang gusto mong malaman lahat Glai?" Tanong niya.

Tumango lang ako.

"Well, ang nalalaman ko lang tungkol sa kanya ngayon ay may boyfriend siyang tsinoy. David ang name." Panimula niya.

Pagkarinig ko sa pangalan ni David ay kumulo agad ang dugo ko.

"Tapos?" Kalmado kong sagot. Ayokong mahalata ni Chynna na nag iinit na ang ulo ko.

"Alam mo napakacomplicated kasi ng story niya Glai eh." Sabi niya.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz