U

2.8K 115 21
                                    

UuU...

Nakalapag na ang eroplano sa NIA terminal. Naghalong saya at lungkot ang naramdaman ko ngayon.

"Babe, nandiyan na ang sundo natin." Masayang sabi sa akin ni Solen.

"Okay babe, ako na magdala niyan." Sabi ko sa kanya habang kinukuha ko ang bag niya.

Pagkatapos kasi ng lahat ng nangyari ay napagkasunduan namin ni Solen at Kylie na doon muna tumira sa pinsan ni Sos sa France. Tatlong buwan kaming nagstay doon, at tatlong buwan ding hindi ako nagparamdam sa mga babae ko lalong lalo na kay Rhian. Hinding hindi ko makakalimutan ang gabing iyon.

Umaasa akong darating siya at pigilan niya ako, pero inabot ako ng umaga walang Rhian ang dumating at pumigil sa akin. Kaya simula noon, kinakalimutan ko nang naging bahagi siya ng buhay ko.

Nagkasundo kami ni Sos na bigyan namin ng kalayaan ang mga sarili namin. May dalawang buwan kaming malaya at kapag pareho kaming single matapos ang dalawang buwan ay babalik kami pareho sa France at doon na kami titira for good. Doon na din namin buohin ang magiging pamilya namin.

Masaya ako ng sabihin sa akin ni Solen na bigyan muna namin ng freedom ang bawat isa, hindi ko alam kung bakit niya sinabi yon. Basta ang alam ko lang masaya ako. Dalawang buwan kong masasabi na wala akong girlfriend, ibig sabihin nun dalawang buwan ko ding iiwasang hindi magkrus ang landas namin ni Rhian.

"Babe, kanina ka pa tahimik diyan." Puna sa akin ni Sos.

Nasa loob na kami ngayon ng van. Doon kami tutuloy sa condo ko. Yon nalang kasi ang ari ariang hindi namin binenta ni Kylie. Kasi mas gusto ni Ky na doon na lang siya sa France titira at yon nga ang nangyari dahil napangasawa niya ang pinsan ni Solen doon, kaya hindi na siya sumama sa pagbalik naming ito.

"Wala naman babe, naiisip ko lang kung bakit pa tayo bumalik dito eh, okay naman tayo doon." Sagot ko.

"Hindi mo ba namiss ang mga kaibigan mo dito babe?" Tanong niya.

"Paano ko naman sila mamimiss babe, halos araw araw kaming nag uusap sa skype." Sagot ko.

"Basta, dalawang buwan lang naman tayo dito babe kaya sulitin na natin tong bakasyon na to okay?" Sabi niya.

"Okay." Sagot ko.

Dumating na kami sa condo at pumasok kami sa loob ng elevator para papunta sa room unit ko. Ilang saglit pa ay nasa taas na kami. Naglakad kami patungo sa pintuan. At ng nasa harapan na ako ng pinto ay bumalik lahat ng ala ala ko sa nakaraan. Pinilit kong burahin ito at patuloy ako sa pagbukas.

"Welcome home!" Sabi ko kay Solen.

"Wow, bakit diko alam na may unit ka pala dito?" Tanong niya.

Nagkibit balikat lang ako.

"Pahinga ka muna diyan babe at ipagluluto kita." Sabi niya.

May dala kasi kaming imported foods kaya habang hindi pa kami nakapag grocery ay yon muna ang lulutin niya.

"Babe, dun lang ako sa balcony ha?" Paalam ko sa kanya.

"Okay, gusto mo ba doon nalang tayo kakain?" Tanong niya.

"Good idea babe." Sagot ko habang nakangiti.

Naglakad ako patungong balcony. Tumayo ako at pinagmasdan ko ang city lights. Sobrang gandang pagmasdan ng mga ilaw sa baba.

Hindi ko binuksan ang ilaw ng balcony dahil gusto kong madilim ang paligid ko. Napansin kong may nakatira na pala sa kabilang unit. Nakatingin ako dito ng may dalawang taong biglang lumabas ng balcony nila.

Isang babae at lalaki. At basi sa nakikita ko ay mukhang magjowa ito. Pumasok sa loob ang lalaki at sinundan ito ng tingin ni babae. Ilang segundo pa ay humarap ang babae sa direksyon ko na para bang alam niyang may tao dito. Bigla siyang nagsalita.

"Sana bumalik ka na, miss na miss na kita." Sabi niya.

Kilala ko ang boses na yon, hindi ako pweding magkamali. Kay Rhian ang boses na iyon. Sasagutin ko na sana siya ng  bigla kong maalala yong gabing hindi siya dumating.

Tama na Glai,sabi ko sa isipan ko. Yong gabing yon ang magpapatunay na hindi ka mahalaga sa kanya kaya huwag ka nang umasa sa kanya. Kita mo naman, may boyfriend na siya at ikaw din may Solen kana. Tiningnan ko ang direksyon ni Rhian. Nakita kong pumasok na siya. Ilang minuto lang din ay dumating na si Sos.

"Babe, bakit ang dilim dito?" Sabi niya.

"Sorry babe, mas gusto ko kasi ng madilim eh, gusto ko kasing magcandle light dinner tayo para mas sweet." Palusot ko.

"Naku, yun naman pala eh, sige dito ka lang at kuha lang ako ng candle." Sabi ni Solen.

Napangiti ako habang pinagmasdan ko si Solen. Siya yung tipo ng tao na hindi mo magugustuhan noong una pero kapag nakilala mo na siya. Siya yung tipo ng taong mamahalin mo talaga. Masaya ako kay Sos pero parang may kulang pa din sa pagkatao ko. Hindi ko alam kong ano o sino basta ang alam ko lang hindi pa ako buo. Di ba dapat buo na ako kasi kasama ko na si Solen pero bakit nakaramdam pa din ako ng ganito. Yung pakiramdam na may hinahanap yung puso mo. Napailing nalang ako. Baliw ka na talaga Glaiza. Bulong ko sa sarili ko.

Kinabukasan ay maagang nagjogging si Solen. Nag iwan lang siya ng notes para sa akin. Bumangon ako at nagtempla ako ng kape. Pagkatapos ay nagtungo ako sa balcony. Dito talaga ang favorite place ko sa unit na to. Medyo lumabas na si haring araw.

"Good morning neighbor." Bati sa akin ng lalaking nakita ko kagabi.

"Good morning." Bati ko din sa kanya.

"Kelan ka lang dumating diyan?" Tanong niya sa akin.

"Last," night maikli kong sagot.

Ngumiti siya na para bang nang fiflirt. Hindi ko siya pinansin sa halip ay umupo ako at inilagay ko ang headset sa aking mga taenga at binuksan ko ito ng napakalakas. Napapikit ako nang damhin ko ang init na dumampi sa aking mukha. Iba pa rin talaga ang klima sa Pinas, sabi ko sa sarili ko.

Dahan dahan kong inubos ang kape ko at pagkatapos neto ay tumayo ako at naghanda ako ng pang almusal namin para pagdating ni Sos ay kakain na kami.

Hindi ko namalayang naiwang nakabukas ni Solen ang pintuan kaya laking gulat ko nang may biglang sumulpot sa harapan ko. Tinitigan niya ako na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

"Rhian?" Tanong ko sa kanya. Pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

A/N:
Any halloween suggestion guys??
Happy halloween guys..

Taste of Love (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now