B

6.6K 183 24
                                    

BbB...

"Glai, may naghahanap sayo." Tawag ni Kylie sa akin.

Nasa bodega kasi ako nagchecheck ng mga stocks. Dalawa kami ni Kylie na namahala sa maliit naming negosyo na pinamana sa amin ng mga magulang niya.

Ang mga magulang ni Kylie ang tumatayong mga magulang ko din, kasi bata palang ako ay namatay na sina Mama at Papa sa isang car accident kasama ang nakakabata kong kapatid kaya naman kinupkop ako nila Tita at Tito at itinuring nila akong tunay na anak.

Magkapatid ang Mama ko at Tito ko kaya naman ganun nalang ang pagmamahal na ibinigay nila sa akin. Si Kylie naman ay parang kapatid na talaga ang turing niya sa akin dahil sa mas matanda siya ng dalawang taon sa akin ay siya na ang nagsisilbi kong ate.

Lalo na noong pumanaw sina Tito at Tita last year si Kylie nalang talaga ang natitira kong kapamilya na malapit sa akin. Kasi yung iba kong mga pinsan ay nasa malayong lugar at minsan lang kami nagkikita.

"Glaiza!" Tawag ni Ky.

"Papunta na!" Sagot ko naman.

Naglakad ako papasok ng store at nakita ko si Kylie na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin. Sabay turo ng babaeng naka-upo habang nakatalikod sa amin.

Sa pananamit pa lang niya alam ko kung sino siya kaya naman pinuntahan ko siya at hinarap.

"Hi!" Bati ko sabay ng mapang akit na ngiti.

"Hello Glai, God I missed you so much." Sabi niya habang niyakap niya ako.

"Klea, napasyal ka yata dito?" Tanong ko.

"Ano ba namang tanong yan Glai, hindi kana kasi nagpupunta sa bar eh ilang gabi na rin akong pabalik balik doon pero sabi ni Kathleen dika raw tumugtog." Mahaba niyang sabi.

"Ah, yon ba, medyo busy kasi kami ni Ky dito sa store eh. Diko naman pweding iasa lahat kay Ky ang negosyo namin." Paliwanag ko.

"Glai, sana naman tumugtog kana mamayang gabi. Namiss kita sobra alam mo namang ikaw lang ang binalik balikan ko doon sa bar eh." Sabi niya sabay tingin ng malagkit sa akin.

"Susubukan ko mamaya Klea ha. Basta ba after ng performance ko ay lalabas tayong dalawa." Sabi ko na medyo paflirt.

"Alam mo namang hindi kita kayang tanggihan Glai eh. Basta mamaya tugtog ka ha?" Sabi niya sabay hawak ng mga kamay ko.

"Susubukan ko. Basta makikita mo ako doon kapag tutugtog ako. For now tatapusin ko muna trabho ko sa likod ha?" Sabi ko.

"Sige may pupuntahan pa din kasi ako eh. Bye Glai." Sabi niya sabay halik sa labi ko.

"Bye Klea, ingat ka ha." Sagot ko.

At lumabas na siya. Si Klea ang isa sa mga girls ko, ewan ko ba sa kanila bakit lagi silang naghahabol sa akin.

"Glaiza, girlfriend mo ba yon?" Tanong sa akin ni Ky.

"Wala akong girlfriend Ky." Sagot ko.

"Hindi kayo maggirlfriend pero naghahalikan sa labi?" Tanong niya.

Nagkibit balikat lang ako sabay sabi..

"Anong magagawa ko gwapo ako eh." Sabi ko habang nakangiti.

Isang malakas na batok ang natamo ko mula sa kanya.

"Glaiza umayos ka nga diyan, baka gusto mong bumangon sa hukay sina Mama at Papa?" Sabi niya.

"Ky naman hindi ko naman kasi kasalanan na ipinanganak akong pogi eh." Sabi ko sabay iwas sa kanya dahil alam ko naiinis na siya sa akin.

"Pogi bang matatawag ang madaming babae Glai? Baka naman desperado." Sagot niya.

"Di ako desperado Ky." Sabi ko.

"Sige nga kung dika desperado, bakit hanggang ngayon wala kapang matino na karelasyon?" Tanong niya.

Natigilan ako. Bakit nga ba hanggang ngayon hindi ko man lang nagawang palitan si Solen sa puso ko, bakit hanggang ngayon umaasa pa din ako na babalik siya.

"Kita mo, dika makasagot kasi nga desperado ka. Nagkukunwari kang hindi affected sa nangyayari sa inyo ni Sos pero ang totoo wasak na wasak yang puso mo." Sabi niya.

"Sige pa, ipamukha mo pa sa akin Ky." Sabi ko.

"Totoo naman kasi Glai, oo dati play girl kana pero mas lumala ka ngayon Glai. Maawa ka naman sa mga inosenteng babae na ginagamit mo para lang makalimutan ang taong mahal mo." Sabi niya.

"Alam mo Glai, hindi mo naman kasi makakalimutan yon eh, naging bahagi siya ng buhay mo at aminin mo man o hindi naging masaya kayo kaya nanatili padin siya diyan sa isipan at lalong lalo na sa puso mo." Dagdag niya.

"Ky, mahal ko pa talaga si Sos. Gustohin ko mang magbago pero kapag nag iisa ako paulit ulit na bumabalik sa ala-ala ko ang mga nagawa ko sa kanya kaya nga mas gusto ko pang iba-iba ang kasama ko kada gabi kesa mag isa ako at inuusig ako ng sarili kong konsensya." Sagot ko.

"Kaya ka ganyan kasi hindi mo pa napatawad ang sarili mo. Patawarin mo kaya ang sarili mo at pilitin mong magbago Glai. Huwag mong hintayin na kung kelan seryoso kana sa isang babae eh laro lang pala ang gusto niya sayo." Sabi niya.

Bigla akong natakot sa sinasabi ni Solen.

"Totoo ang karma Glai, baka nakalimutan mo. Kaya kong ako sayo, ayusin mo na buhay mo. Araw araw kitang pinapa alalahan Glai kasi ayokong dumating ang panahon na pagsisisihan mo yang mga pinaggagawa mo." Dagdag niya.

Hindi ako sumagot sa halip ay pumunta nalang ako sa likuran at doon ako nagnilay nilay.

May punto si Kylie. Alam ko kahit na ganito ako ay mahal ako ni Kylie kaya hindi siya nagsasawang sermonan ako. Paano nga pag dumating ang panahon na gustuhin ko ng magseryoso kaso ako naman ang paglalaruan ng panahon. Bigla akong kinilabutan.

Ilan na nga ba ang mga babaeng pina iyak ko simula noong naghiwalay kami ni Sos? Sobrang dami na pala nila. Hindi ko man lang naisip na hindi nila deserved ang masaktan, kasi ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit ako iniwan ni Solen eh pero anong ginawa ko? Ang mga inosenteng mga babae ang napagbuntungan ko sa kasalanan ko. Tama si Ky, hindi ko na hihintayin na dumating ang panahon na pagsisisihan ko ang mga ginagawa ko.

Kaya naman nangako ako sa sarili ko mula sa oras na ito na itigil ko na ang pagiging play girl ko. Oras na para magtino ako para naman kapag nagkita kami ulit ni Solen ay kaya ko ng ipagmalaki sa kanya ang sarili ko. Sapat na ang pagkakamali ko noon. Oras na para magbago ka Glaiza sabi ko sa sarili ko.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDWhere stories live. Discover now