H

3.3K 128 7
                                    

HhH....

Buo na ang decisyon ko si Rhian na talaga ang seseryosuhin ko.Nakikita ko ang future ko kasama siya. Gagawin ko ang lahat para lang matanggap niya ako kapag darating ang panahon na malalaman niya ang tunay na pagkatao ko.

"Mukhang tulala ka yata diyan Glai." Tanong sa akin ni Ketchup.

Si Ketchup ang isa sa mga owners ng coffee shop na tinayo namin.

"Iniisip ko lang si Rhian bro." Sagot ko.

Ngumiti siya sa akin.

"Babae mo?" Pagbibiro niyang tanong.

"Nililigawan ko bro." Seryoso kong sagot.

Pinagmasdan niya ako na para bang hinihintay niya na sasabihin kong biro lang pero wala siyang narinig mula sa akin.

"Teka nga, seryoso ka ba?" Dagdag niya.

"Uo bro, gusto ko ng magbago sawa na ako sa pagiging play girl." Sagot ko.

"Aba!! Natauhan ka na ba?" Pangiti ngiti niyang sabi.

"Hindi naman sa natauhan, dahil alam ko naman talaga na mali ang ginagawa ko. Kaso tinamaan ako sa kanya eh." Paliwanag ko.

Humagalpak siya ng tawa at kita ko na mas lalong lumiit ang tsinito niyang mata.

"Huwag mo nga akong pagtawanan." Inis kong sabi.

"Pasensya na, pero hindi kasi ako makapaniwala na ang isang katulad mo magbabago dahil lang sa babae." Sagot niya.

"Anong magagawa ko bro, eh kung ikaw ba naman ang makakita sa ganda niya baka sabihin mong tama ang naging decisyon ko." Sagot ko.

"Ano bang apelyido ng Rhian na yan? May kakilala kasi akong Rhian eh, kaso matinik yon parang ikaw din." Sabi niya.

Napa isip ako, diko pala alam ang apilyedo niya nakalimutan kong itanong.

"Eh, nakalimutan kong itanong bro eh." Sagot ko habang napakamot ako ng ulo.

"Okay ka lang ba? Handa kang baguhin ang sarili mo sa isang taong hindi mo pa lubusang kilala?" Sabi niya.

"Alam mo Glai, hindi naman sa ayaw kong magbago ka ha, ang sa akin lang kilalanin mo muna siya kasi baka yang Rhian na kakilala mo ay ang Rhian na kakilala ko din." Paliwanag niya.

May punto si Ketchup pero ang sinasabi niyang mapaglaro din si Rhian ay imposibleng mangyari. Sadyang pilya at malambing lang talaga siya kung sakaling iisang Rhian ang kakilala namin.

"Natahimik ka diyan. Kung gusto mo samahan mo ako mamaya. Alam ko kung saan naglalagi ang Rhian na sinasabi ko sayo." Sabi niya.

Dahil na rin sa kagustuhan kong makita ang Rhian na sinasabi niya ang pumayag akong sumama kay Ketchup.

Gabi na at nandito kami ngayon sa harap ng bar, yung bar na exclusive lang para sa mga member ng third sex.

"Ano ready ka na ba?" Tanong ni Ketchup.

"Ou, ano tayo na?" Sagot ko.

Pumasok kami at naghanap si Ketchup ng bakanteng mesa. Nagkataon naman na may nakita siyang mesa katabi ng inuupuan ng dalawang magagandang babae.

"Dito tayo Glai." Sabi sa akin ni Ketchup.

Umupo ako at nagmasid masid sa paligid. Maganda ang bar na ito medyo classy at halatang ang mga pumunta dito ay may kaya sa buhay.

"Glai anong gusto mong inumin?" Tanong ni Ketchup sa akin.

"Vodka martini bro." Sagot ko.

Tumayo siya at pumunta sa bar tender para mag order. Nang ilipat ko ang paningin ko ay hindi ko inasahan ang taong nakikita ko.

Si Rhian, may kasama siyang isang tisay na halatang sosyal ang dating. At nakapuloput ito sa kanya. Palinga linga siya ng makakita siya ng bakanteng mesa. Sinundan ko sila ng tingin. Hindi ko alam kong bakit ako nagagalit siguro dahil hindi ko lang matanggap na naisahan niya ako.

Pinagmasdan ko silang mabuti at kitang kita ko kong paano niya hinalikan at halos hubadan na niya ang babaeng kasama niya. Kumukulo ang dugo ko pero pilit akong kumalma ayokong malaman niya na nandito ako.

Isa lang ngayon ang nabubuo sa isipan ko. Kung gusto niya ng laro pwes! Pagbibigyan ko siya. Sayang ka Rhian, akala ko ikaw na ang taong magpapatino sa akin pero nagkamali pala ako.

Naisipan kong tawagan siya para umpisahan ko na ang larong  sinimulan niya. Naka ilang ring ito bago niya sinagot. Nakita kong tumayo siya palayo sa babaeng kasama niya.

"Hello Glai, napatawag ka?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Wala lang, yayayain sana kitang lumabas tonight eh. Free ka ba?" Sagot ko.

"Naku sorry Glai may nauna ng nagyaya sa akin eh." Sagot niya.

"Ah, akala ko kasi free ka namiss lang kasi kita eh." Paglalambing ko kunwari.

"Bawi nalang ako sayo bukas ha?" Sagot niya.

"Nasaan ka pala now?" Tanong ko ulit.

"Nasa party ako ng kaibigan ko, may birthday kasi eh inimbetahan kasi ako eh, nakakahiya namang tanggihan." Paliwanag niya.

"Ah, ganun ba. Sige Rhi, baka naistorbo na kita eh." Paalam ko.

Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa siya at pinatay ko na ang tawag. Hindi ko alam na sinungaling ka din pala Rhian. Sabi ko sa sarili ko.

Dumating na si Ketchup dala ang mga drinks namin.

"Heres your martini Madam." Sabi niya in a gay tone.

"Thanks. Bading." Sagot ko ng nakangiti.

"So nakita mo ba ang babaeng yon?" Sabi niya sabay turo sa akin sa kinauupuan ni Rhian.

"Yes, and tama ka iisang tao lang ang pinag usapan natin kanina." Sagot ko na medyo may halong galit ang tono.

"Naku bro, mag iingat ka sa babaeng yan. Madami ng pinaglaruang tao yan. Parang ikaw lang din." Sabi niya habang tinititigan ako ng makahulugan.

"Bro, kung gusto niya ng laro, game ako kahit anong klaseng laro ang gustuhin niya." Sagot ko.

"Talo ka na bro." Sabi niya.

"Hindi pa nagsisimula ang laro bro." Sagot ko.

"Kaya nga sabi ko talo kana, kasi sabi mo kanina handa kang baguhin ang sarili mo para s kanya. Ibig sabihin non eh in love ka sa kanya." Paliwanag niya.

Hindi ako nakasagot dahil may bahid ng katotohanan ang mga sinasabi ni Ketchup. At alam ko mismo sa sarili ko na minahal ko na siya pero hindi ko naman papayagang mahulog ako sa patibong niya.

"Bro, wala pang nakakatalo sa akin." Despensa ko sa sarili ko.

"Noon yon bro, noong hindi mo pa siya nakilala." Sagot niya.

"Hindi ko hahayaang ang isang katulad niya ang magpapabagsak sa akin bro. Tandaan mo yan." Sabi ko.

"Well, tingnan lang natin. Basta binabalaan kita kong gusto mong manalo laban sa kanya eh, kilalanin mo muna siya." Sagot niya.

Hindi na ako nagsalita. Iniisip ko kong paano ko paiikotin si Rhian sa sarili kong mga kamay at kung paano ko dudurugin ang puso niya. Dapat magbabayad siya sa ginawa niyang panloloko sa akin. Sabi ko sa sarili ko.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon