K11

2.4K 100 28
                                    

K11...

Pauwi na ako ng bahay, hindi ko namalayan na madaling araw na pala. Ang dami kasing customer sa bar. Thank God at okay ang takbo ng negosyo namin ni Glaiza.

Nasa pintuan na ako ng unit namin, kinuha ko ang spare key ko para buksan ko ang pinto. Sobrang dilim ng paligid. Nakapagtataka naman yatang pati sa living room nakapatay ang ilaw. Hinanap ko ang switch at binuksan ko ito.

Laking gulat ko nang makita ko si Glaiza na nakahiga sa sofa. Nilapitan ko siya. Kawawa naman ang mahal ko dito pa talaga ako hinintay.

Hinalikan ko siya sa labi.

"Lab, I'm home." Sabi ko sabay tapik sa balikat niya.

Napansin kong hindi siya gumalaw. Kaya naman niyugyog ko siya ng mahina.

"Lab, wake up.!" Sabi ko.

Pero hindi parin siya gumising, pinakiramdaman ko muna siya. May pulso pa naman siya.

"Glaiza! This is not a good joke!." Inis kong sabi. Pero wala pa ding nangyari. Kaya naman nagpanic na ako.

"Lab, wake up please!." Mangiyak ngiyak kong sabi. Habang niyayakap ko siya.

Hindi na maganda ito sabi ko sa sarili ko kaya naman tumawag na ako ng ambulansya para madala.siya sa hospital.

Pagdating namin sa hospital ay agad siyang nilagyan ng oxygen.

"Doc, please gawin niyo lahat para magiging okay siya." Paki usap ko sa Doctor.

"We try our best Miss Howell, but for the meantime dito lang po muna kayo sa labas." Sabi ng Doctor.

Umiiyak na ako dahil hindi ko alam kong anong nangyari kay Glaiza. Wala akong pakialam kong marami ang nakatingin sa akin ngayon pero hindi ko talaga maiwasang hindi mag alala.

Tinawag ako ng Doctor.

"Yes Doc.? Kumusta na po ang pasyente?" Pag alala kong tanong.

"Unconscious parin siya Ma'am, matanong lang po kita, mga ilang oras na po ba nawalan ng malay si Ms. Galura?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ko po alam, kasi nasa bahay lang siya while nasa trabaho ako. Pagdating ko kanina nakita ko na siyang nakahiga. Akala ko natutulog lang siya kaya I tried to wake her up pero hindi talaga siya nagising kaya naman nagpapanic na ako." Salaysay ko sa Doctor.

"Miss Howell, wala po ba kayong napapansin lately about kay Ms Galura?" Tanong niya ulit.

Pero hindi ako nakasagot kasi bigla nalang tinawag ang Doctor na kausap ko.

Nakita kong sa room mismo ni Glaiza pumunta ang Doctor kaya naman agad ko siyang sinundan. Nanginginig na ang buo kong katawan dahil sa nakikita ko. Nirerevive si Glaiza ngayon. Iyak ako ng iyak.

Lumaban ka lab, sabi ko habang  niyayakap ko ang aking sarili. Hindi ko kakayanin kong may masamang mangyari sa kanya. Paano na ang mga pangarap natin lab, nag uumpisa pa lang tayo eh. Huwag mo akong iwan please. Humagulhol na ako sa pagkakataong ito.

Hindi ko na kayang tignan ang mga pangyayari na nasa harapan ko.

" Bakit sa akin nangyayari ito? Bakit ako pa? Ilan pa bang  mahal ko ang kukunin niyo mula sa akin ha!!" Sigaw kong sabi habang nakatingin ako sa itaas.

"Nawala na lahat sa akin!!! Ngayon pati ba ang kaisa isang taong nagpadama sa akin kung gaano kasarap mabuhay kukunin niyo din?!!" Patuloy kong sigaw na para bang kinakausap ko kung sino man ang walang pusong nagpasakit sa akin ng ganito.

"Time of death, 3:59am." Narinig kong sabi ng Doctor.

Kaya naman pinagmasdan kong mabuti ang machine na nakakabit sa katawan ni Glaiza. Tuwid na nga ito. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Hindi!!!.. hindi!!!!.. bumangon ka labb!!! Hindi mo ako pweding iwan.!!!" Sigaw ko habang niyuyogyog ko ang wala ng hininga niyang katawan.

"Glaiza!!!!!!!." Hindi mo ako pwedinnnggg iwan!". Gumising ka na maawa ka sa akin.!!!" Patuloy kong sigaw.

"Pero hindi parin siya nagising. Paano ko a haharapin ang bukas ngayong iniwan mo na ako??! "

"Sorry Ms Howell ginawa na po namin lahat to save her pero wala na po talaga kaming magawa Ma'am. Our deepest condolence po." Sabi ng Doctor habang tinapik ang balikat ko.

"Bakit ba ang daya daya mo!!. Magpapakasal pa tayo diba??! Bubuo pa tayo ng pamilya labbb!! Paano natin magagawa yon kung wala kana?!!"

Iyak ako ng iyak habang nakayakap ako sa kanya.

"Ang saya saya pa natin kahapon. Tapos ngayon bigla mo nalang akong iwan, diba nangako ka na hinding hindi mo na ako sasaktan? Nangako ka sa akin diba??! Sabi ko sa kanya.

Pero wala talagang himala na nangyayari patuloy ko siyang kinakausap pero hindi na niya ako maririnig.

"Mahal na mahal kita Glai,. Alam mo yan. Ikaw ang mundo ko. Pero paano pa ako ngayon mabubuhay kong wala ka na? Sabihin mo sa akin kung paano ko ipagpatuloy ang buhay ko, knowing na sayo lang umiikot ito." Sabi ko.

"Sana Glai, isinaman mo nalang ako. Hindi ko kakayanin ang mamuhay na mag isa. Hindi ko na alam kung bakit lahat ng taong minahal ko kinukuha sa akin. Ano bang sumpa meron ako at ayaw nila na maging masaya ako?" Patuloy kong sabi.

"Kung alam ko lang Glai, na mawawala ka rin pala sa akin sana noon pa iniwasan na kita siguro buhay ka pa hanggang ngayon. Kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi ko na sana hinayaang maging masaya ang sarili ko. Sa konting panahon na nagkasama tayo ipinadama mo sa akin ang tunay na kasiyahan, ipinadama mo sa akin ang tunay na kahulugan ng buhay. Pero ang konting panahon na yon ay buong buhay kong dadalhin. Buong buhay kong dadalhin ang masasaya at masasakit na ala ala na iniwan mo sa akin." Dagdag ko.

"Sayo ako natutong tumayo at nanindigan. Sayo ako natutong magpakatino at lumaban. Kung ano ako ngayon lahat yon dahil sayo. Hinding hindi kita malilimutan Glai. Dahil kasama mong ilibing ang puso ko. Ikaw ang nagmamay ari nito Glai. Kaya ngayong wala kana. Patay na rin itong puso ko. Matagal na itong patay, pero binuhay mo itong muli. Kaya dalhin mo to dahil wala na akong balak magmahal muli. Ayoko ng masaktan. Pagod na akong umiyak, pagod na akong masaktan at higit sa lahat pagod na ako na laging iniiwan. Sana masaya kana kasi sa wakas magkikita na kayo ni Uno. Pakisabi nalang na mahal na mahal ko siya. Siguro nga Glai, kayo talaga ang itinadhana." Sabi ko habang patuloy ako sa pag iyak. Yakap yakap ko ngayon ang malamig ng katawan ni Glaiza. Hindi ko alam ganun lang pala kadali ang buhay. Yung parang kanina ang saya saya niyo pa pero ngayon wala na siya.

A/N:

Anong nangyari kay Glaiza??.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon